Tuesday , November 20 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / 2016 LTO plates ipamimigay na raw sa Hulyo
2016 LTO plates ipamimigay na raw sa Hulyo

2016 LTO plates ipamimigay na raw sa Hulyo

READ: Dami pang backlog ang LTO sa plaka?

READ: Kawalan ng license plates, COA ang sisihin

BUONG pagpapasiklab na inihayag ni Land Transportation Office (LTO) chief Edgar Galvante na ilalabas na ngayong Hulyo ang LTO plates para sa mga nagparehistro  ng sasakyan noong Hunyo-Oktubre 2016.

Ang tanong, sigurado na ba ‘yan ngayong Hulyo 2018?!

Paniwalaan natin, pansamantala…

READ: LTO inaalmahan ng mga motorista sa mahigit 1-m car plates backlog!

And take note, ipaaalam umano sa mga may-ari ng sasakyan kung kailan nila makukuha ang kanilang plaka.

READ MORE:  Atake sa kalayaan sa pamamahayag ang pambabastos ng MPD sa MOA ng media groups sa PNP at DILG

Kaya hindi na raw kailangan magsayang ng oras na pumunta sa LTO at makipagsiksikan sa mahabang pila para lang makuha ang kanilang plaka.

‘Yan ay ayon mismo kay LTO chief, Assistant Secretary Galvante.

READ: LTO chief Edgar Galvante asset o liability ng Duterte admin?!

Sa unang linggo umano ngayong Hulyo, ipababatid na sa mga may-ari ng sasakyan kung kailan nila makukuha ang kanilang plaka.

Ibig sabihin, ‘yung mga nagparehistro noong 2016 sa mga buwan ng Hunyo, Hulyo, Agosto, Setyembre hanggang Oktubre, sa wakas, ay magkakaroon na ng pla­ka…

READ MORE:  Tuloy ang butasan ng gulong ng sidecar sa Maricaban, Pasay City (Attn: PNP Chief, DG Bato!)

Mangyari nawa!

E paano ‘yung mga nagparehistro noong 2015? May pag-asa pa ba silang makuha ang plaka nila?

At paano ‘yung Nobyembre at Disyembre 2016, ibig sabihin ba nito, dalawang taon ulit ang hihintayin nila para mahawakan ang plaka nila?!

Wattafak!

Asec. Galvante, dalawang taon ka nang naririyan  sa LTO, ‘yan lang ang kinaya mong ta­pusin?!

Paano ‘yung mga nakaraan at ‘yung mga susunod pa?! Maghihintay na lang ba ulit sila ng dalawang taon o ng bagong administrasyon?!

READ MORE:  Online gambling ipinakakansela na ni Presidente Digong

Aruyko!

Sana, hindi lang ‘yung mga ‘corrupt’ ang pinatatalsik sa gobyerno…

READ: P3.8-B LTO new plates system ‘livelihood’ ng mga opisyal?!

Isama na rin sana ni Pangulong Digong ‘yung mga opisyal ng pamahalaan na  pakaang-kaang at palamig-lamig lang sa kanilang ‘tanggapan.’

Tsk tsk tsk…

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved