Wednesday , January 16 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Mocha, halatang binubuwisit na lang si Kris Aquino
Mocha, halatang binubuwisit na lang si Kris Aquino

Mocha, halatang binubuwisit na lang si Kris Aquino

MALINAW na pambu­-buwisit na lang ang ginagawa ni Mocha Uson kay Kris Aquino sa serye ng mga ipino-post niya sa kanyang Facebook page.

Nasundan nito lang ng post na “bureaucratic misfit” na ito after ng panlilibak niya sa mga magulang ni Kris.

Ito ‘yung hinalukay na video noon ni Kris patungkol sa dating asawang si James Yap. Nasa baul pa rin kasi ng alaala ang minsang sinambit ni Kris na umiyak lang daw siya ay makukuha niya ang simpatya ng madlang pipol bilang plus point niya over James.

READ MORE:  Vance, hindi itinago ang pagiging batang ama

Kung hindi paninirya (at paninira) ang tawag sa ginagawang ‘yon ni Mocha, wala na kaming maapuhap na tamang termino para ilarawan ‘yon.

Pero kung kami kay Kris, dahil maituturing na Strike 3 na ito, ay huwag na lang niya itong pansinin at pag-aksayahan ng panahon.

READ MORE:  Miss Silka Philippines, another Silkamazing year of beauty and purpose

Higit sa lahat, this latest post has nothing to do with Kris’ either deceased parent. Tungkol na ito sa pagiging “gimikera” ni Kris ayon sa perception ni Mocha sa kanya.

Baka nga ikatuwa pa ni Kris ang pagiging resourceful o maparaan ni Mocha sa paghahanap ng mga lumang video materials para lang magtagumpay sa kanyang pang-iinis kay Kris.

READ MORE:  Muling pagsasama nina Goma at Shawie, tinupad ng TV5

Knowing Kris, anumang bagay na may kaugnayan kay James (o sa bago nitong pamilya) ay wala na siyang pakialam.

More than ever, ang mahalaga sa kanya ay ang kanyang dalawang anak.

Pero bilib din naman kami sa nakaupo pa ring ASec ng PCOO. Daig pa niya ang nag-apply ng tone-toneladang foundation.

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

About Ronnie Carrasco III

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top