Wednesday , September 26 2018
Breaking News
You are here: Home / News / BBL swak sa Federalismo — solons
BBL swak sa Federalismo — solons

BBL swak sa Federalismo — solons

DALAWANG kongre­sista mula Mindanao ang umaasa na ang Bangsamoro Basic Law (BBL) ang magiging susi sa kapayapaan sa Mindanao.

Ang BBL umano ay isa ring magandang tem­plate para sa napi­pintong “federal states” ayon sa dalawa.

Sinabi ni Anak Mindanao Party-List Rep. Amihilda Sangco­pan at  Iligan City lone district Rep. Frederick Siao, umaasa sila na ang BBL ang magiging para­an para magbago ang sitwasyon sa Katimugan ng Bansa.

READ MORE:  P10-M para sa 4Ps muntik matangay sa CamNorte

“Baka nga po kung ano ‘yung BBL, piwede nang maging template for federalism,” ani Sangco­pan,  isa sa mga vice chair­man ng House Peace, Reconciliation and Unity Committee.

Pinabulaanan ni Sangcopan ang mga tsis­mis na ang BBL ay magiging hadlang sa pag-usad ng federalismo.

“Hindi po natin tini­tingnan na ganoon,” ani Sangcopan.

READ MORE:  Martial law sa Mindanao suportado ng senado

“Hindi naman natin sinasabi na ‘yung kabu­uan ng BBL ay ‘yun ang magiging template. What I’m saying is, posible na masundan sa pagbubuo ng federalism,” paliwa­nag niya.

Ang BBL ay enabling law ng 2014 Com­pre­hensive Agreement on the Bangsamoro (CAB) sa pagitan ng gobyerno at ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Ginawa ito para palitan ang kasa­lukuyang Autonomous Re­gion in Muslim Minda­nao (ARMM).

READ MORE:  Isabel Lopez inasunto ng MMDA

“The [BBL] is a Congress priority be­cause we want to prove to our brother Filipino Muslims that they matter to us and to the entire country. The ARMM was inadequate to address many of the core issues, so we have the BBL,” sabi ni Siao, isa sa mga vice chairman ng Committee on Tour­ism.

ni Gerry Baldo 

COMMENTS

About Gerry Baldo 

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved