Sunday , November 18 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Tanong ng Palace reporters ‘ibinasura’ ng PIA Region XII
Tanong ng Palace reporters ‘ibinasura’ ng PIA Region XII

Tanong ng Palace reporters ‘ibinasura’ ng PIA Region XII

MEDIA censorship.

Ito ang puna ng ilang mamamahayag na nakatalaga sa Palasyo matapos balewalain ni Danilo E. Doguiles, PIA Region XII officer-in-charge, ang ilang ipina­dalang tanong ng Palace reporters sa press briefing ni Presidential Spokes­man Harry Roque sa Cotabato City.

Si Doguiles ang tuma­yong moderator sa natu­rang press briefing.

Matapos basahin ni Roque ang kanyang ope-n­ing statement ay inatasan niya si Doguiles na alter­nate na basahin ang mga tanong mula sa local media at Manila reporters ngunit hindi sinunod ng PIA official.

READ MORE:  Concert ng One Direction inayawan

Kahit may mga ta­nong mula sa Palace report­ers ang hindi pa na­babasa, sinabi ni Doguiles kay Roque na wa­la nang mga tanong.

“Q: Sir, last question na lang daw po. SEC. ROQUE: Marami pa ka­sing question sa Manila. Q: Wala na sir. SEC. ROQUE: A na ano na. Okay,” bahagi ng trans­cript ng nasabing press briefing.

READ MORE:  Van sumalpok sa footbridge, 2 pahinante tigok (Driver lasing)

Ikinatuwiran ni Do­gui­les kay Director Dennis Ting ng Office of the Presidential Spokes­person, paulit-ulit ang mga ipinadalang tanong ng Palace reporters kaya hindi niya binasa.

Kabilang sa hindi binasa ni Doguiles ang tanong mula sa HATAW D’yaryo ng Bayan, hinggil sa kontrobersiyal na anti-illegal immigrants policy ng administrasyon ni US President Donald  Trump na binatikos ni UN High Commissioner for Human Rights Zeid Ra’ad  Al Hussein.

“Will PRRD support the UN Human Rights Commissioner’s call on the US to immediately end the practice of for­cible separation of children from their parents in US borders in pursuit of its anti-illegal immigrants policy?”

READ MORE:  3 alas ni PNoy tanggal kay Grace — Chiz (Yes sa 4Ps, No sa 3As)

Batay sa ulat, umabot sa mahigit 2,000 bata ang puwersahang tinangay ng US authorities mula sa kanilang mga magulang na illegal immigrants sa border ng Amerika at ini­lagak sa mga mistu­lang kulungan ng mga hayop.

(ROSE NOVENARIO)

COMMENTS

About Rose Novenario

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved