Sunday , July 22 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Sa Antipolo City: 4 sumuko sa droga utas sa ratrat
Sa Antipolo City: 4 sumuko sa droga utas sa ratrat

Sa Antipolo City: 4 sumuko sa droga utas sa ratrat

PATAY ang apat drug surrenderee, kabilang ang isang babae, maka­raan pagbabarilin ng riding-in-tandem ha­bang nag-iinoman sa gilid ng kal­sada sa isang sub­dibi­syon sa Antipolo City.

Kinilala ng Rizal PNP ang mga biktimang sina Rommel Bedrona, 30; Leonard Constantino, 27, may-ari ng apart­ment; Dave Natalaray, 32, at Margaret Diane Sala­zar, 21, live-in partner ni Constantino.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Antipolo City PNP, dakong 11:30 pm nangya­ri ang insidente sa 1st Street, Virginia Summe­r-ville Subd., Brgy. Mambugan ng nasabing lungsod.

Nag-iinoman ang mga biktima sa tabing kalsada nang dumating ang isang motorsiklo sakay ang mga hindi kilalang suspek at pinag­babaril ang  grupo.

Inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan ng mga suspek na mabilis na tumakas makaraan ang pamamaril.

Nabatid sa imbesti­ga­syon, ang mga bikti­ma ay sangkot sa iba’t ibang krimen sa lung­sod.  (ED MORENO)

COMMENTS

About Ed Moreno

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved