Tuesday , September 25 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Sa Quezon City: P5-M shabu nasabat

Sa Quezon City: P5-M shabu nasabat

UMAABOT sa P5-M milyon halaga ng hinihi­nalang shabu ang nasabat sa buy-bust operation at dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang arestado sa Brgy. Greater Lagro sa Quezon City, nitong Sabado.

Kinilala ni Quezon City Police District direc­tor, C/Supt. Joselito Es­qu­i­vel Jr. ang mga suspek na sina Martin Morales, 21-anyos at pinsan niyang si Paulo Morales, 18-anyos.

ARESTADO ang magpinsan na sina Paulo Morales at Martin Morales makaraan makompiskahan ng P5 milyong halaga ng hini-hinalang shabu at isang .38 kalibreng baril sa ikinasang buy-bust operation ng mga operatiba ng SDEU-PS5 ng QCPD sa Camaro St., Brgy. Greater Lagro, Quezon City. (ALEX MENDOZA)

Habang nakatakas ang tatlo pang mga sus­pek lulan ng isang puting van.

READ MORE:  2 patay, 1 sugatan, 3 tiklo sa buy-bust
READ MORE:  5 miyembro ng gunrunning, drug syndicate timbog sa checkpoint

Inihayag ni Supt. Benjamin Gabriel, hepe ng Fairview Police Station, agad inaresto ang dalawa makaraan tanggapin ang P75,000 halaga ng buy-bust money.

READ MORE:  Estudyante todas sa holdap suspek arestado

Nakuha sa mga suspek ang 10 malalaking sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang 100 gramo ang bawat isa. Nakuha rin ang isang .38 kalibreng baril.

Isasailalim sa pagsu­suri ng Philippine Nation­al Police crime laboratory ang nakuhang mga ebi­densiya.

 

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved