Saturday , April 20 2024
James Reid Pedro Penduko

Pedro Penduko ni James Reid, mapapanood na

MATATAPOS na ang matagal na paghihintay sa pinananabikang pelikula na pagbibidahan ni James Reid, ang Pedro Penduko.

Sa pakikipag-isa ng gumawa ng Pedro Penduko, isang Filipino comic book character na binuo ni National Artist for Literature Francisco V. Coching, maisasabuhay na ito at mas mabibigyab ng magandang kulay.

Nakipagsosyo ang Epik Studios sa Viva Entertainment at Cignal TV para gumawa ng mahigit 50 ordinary comic book characters para mas mapalapit sa puso ng mga Pinoy na mahilig sa Kuwentong Bayan.

Napili si James para magbida sa Pedro Penduko, isang ordinaryong Pinoy na handang labanan ang masasamang espiritu sa tulong ng agimat.

Unang gumanap na Pedro Penduko si Efren Reyes Sr. sumunod sina Ramon Zamora, Janno Gibbs, at Matt Evans.

Mapapanood ang Pedro Penduko sa last quarter ng 2018. At bilang paghahanda, nag-aaral ng martial arts si Reid para sa matitinding eksena.

Ang karakter ni James ay nilagyan ng modern twist na nagre-redefine at para maging relevant superheroes para sa kasalukuyang henerasyon.

Bale ang Cignal TV ang maghahandog ng Pedro Penduko at ng iba pang nakapangingilabot na karakter sa pamamagitan ng pelikula at serye. Sila rin ang mamamahagi nito sa iba’t ibang klase ng platform tulad ng DTH, IPTV, OTT at iba pa. Ang oartnership ay hanggang sa paghahatid din ng video entertainment dahil nag-venture rin sila sa merchandising at gaming.

Samantala, marami pang nakalinyang proyekto ang Epik Studios para maihatid muli ang iba pang istorya ng mga folk heroes tulad nina Bernardo Carpio, Maria Makiling, at iba pa. At tiyak ito’y mabibigyan ng bagong mukha at hitsura dahil sa mga batang nobelista at animator.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Beaver Magtalas Rico Yan

Beaver Magtalas mala Rico Yan ang dating

MATABILni John Fontanilla KAMUKHA ng yumaong aktor na si  Rico Yan ang baguhang aktor na si Beaver Magtalas na …

Ivana Alawi

Ivana Alawi gumastos ng milyones para sa lalaki

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Ivana Alawi sa kanyang pamilya at sa publiko …

Dennis Padilla Aster Amoyo

Dennis ibinilin sa mga anak: magtulungan

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ng komedyanteng si Dennis Padilla sa vlog ni Aster Amoyo na TicTALK with …

Janno Gibbs Manilyn Reynes Keempee de Leon

Manilyn pinaka-memorable na ka-loveteam si Janno

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Manilyn Reynes sa Updated with Nelson Canlas, tinanong siya kung …

Glaiza de Castro David Rainey

Glaiza naka-iskedyul pagbuo ng baby

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG busy si Glaiza de Castro, paano ang pagbuo nila ng pamilya ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *