Sunday , July 22 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Singson, ipoprodyus pa rin ang Miss Universe 2018, ‘di na nga lang sa ‘Pinas gagawin
Singson, ipoprodyus pa rin ang Miss Universe 2018, ‘di na nga lang sa ‘Pinas gagawin

Singson, ipoprodyus pa rin ang Miss Universe 2018, ‘di na nga lang sa ‘Pinas gagawin

Si dating Ilocos Sur Governor Luis “Chavit” Singson pa rin ang magpo-prodyus ng Miss Universe.

Hindi na nga lang sa Pilipinas gagawin.

Ito ang inihayag kahapon ng tanghali ng gobernador nang matanong ukol sa Miss Universe.

Ani Singson, pinagka­katiwalaan pa rin siya ng Miss Universe Organization.

Nagtiwala na sila eh (MUO), unlike before first time kong ginawa hindi ako pinapansin doon,” anang gobernador. ”Bago ako nakipag-negotiate kailangang magdeposit ng $00-M. And refundable naman. Eh sinong negosyante ba ang papayag doon? So, parang nagsugal na ako.”

Kuwento pa ni Singson, nag-ocular inspection na sila sa China kasama niya ang Miss Universe Organization president, Paula Shugart. Isa ang bansang China sa posibleng pagdausan ng Miss Universe 2018.

Eversince sinabi ko na, na hindi puwede sa Pilipinas. Kaya sa China na lang.

“Pero wala pang live show sa China eversince. So hindi puwede sa China. Ang sabi puwede sa Macau.

“Ang pinagpipilian ngayon Macau or South Korea na very much interested.

“Kapag doon ginawa, North Korea, will participate, mas maganda ang mga babae roon.

“Nakita ko kaya nalaman kong magaganda ang mga babae roon.

“Interested din ang Vietnam,” mahabang esplika pa ng dating gobernador.

Sinabi pa ni Singson na hindi pa rin siya nababayaran ng ibang investors na nakasosyo niya nang gawin sa ‘Pinas ang Miss Universe noong Enero 30, 2017 sa Mall of Asia.

Awa ng Diyos hindi pa rin ako bayad, hindi pa ako binabayaran,” giit ni Singson.

Ayaw kong magbanggit, malalaking company ang hindi bayad sa akin. Dalawa pa ang may balance. Maraming rason anyway.”

Sinabi pa ng gobernador na, “I don’t want to name names pero alam nila ‘yan. Marami pa ring kulang. May hindi pa ako nasingil more than $100-M – $2-M.”

At kahit hindi pa nababa­yaran si Singson, handa pa rin siyang iprodyus ang Miss Universe. “Hindi naman ako nalugi kung magbabayad lang sila. Ready naman akong malugi at sinabi naman nilang ibabalik. ‘Wag lang i-kansel. Kikita ako.”

Nilinaw din ni Singson na hindi naman niya idedemanda ang dalawang kompanyang hindi pa bayad sa kanya dahil mga kaibigan niya iyon.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

COMMENTS

About Maricris Valdez Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved