Thursday , December 13 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / “Boundary” na si Morales

“Boundary” na si Morales

KUNG kailan pa malapit na siyang magretiro sa serbisyo ay saka lang naisip ni Ombudsman Con­chita Carpio-Mora­les na dapat malipol ang katiwalian sa pama­halaan, ang pangu­na­hing tungkulin at respon­sibilidad na dapat niyang ginampanan habang na­sa puwesto.

Si Morales na naka­tak­dang magretiro sa susunod na buwan ay nanawagan sa publiko na maging mapagbantay daw at huwag matakot sakaling may alam na mga gumagawa ng mali sa pamahalaan.

Sa isang panayam kamakailan sa kanya, ang sabi ni Morales:

“If you are cowed by fear, and you refuse to talk or to complain about any irregularity, about any wrongdoing by any public official in cons­piracy with a private official, you will get what you deserve.”

Sa tono ng mga pananalita ni Morales ay mamamayan ang dapat sisihin kung magsasa­walang kibo sa patuloy na paglala ng katiwalian.

Maaaring may katiting na bahid ng katotohanan ang sinabi ni Morales dahil may mga bobotanteng bayaran na patuloy pa rin ibinoboto ang mga tiwaling politiko at opisyal sa pamahalaan kahit alam na nilang magnanakaw at mandarambong.

READ MORE:  EL Nido PCG overacting

Sana ay wala pang sakit na Alzheimer o pag-uulyanin si Morales para malimutan na kaya nga itinatag ang Ombudsman ay para sila ang magpanagot sa mga tiwaling opisyal.

Sa impeachment trial noon laban kay yumaong dating Supreme Court Chief Justice Renato Corona, sa bibig mismo ni Morales nanggaling na alinsunod sa batas – “motu proprio” – ay mandato ng Ombudsman na imbestigahan ang sinomang opisyal na sangkot sa katiwalian, may maghain man ng reklamo o wala.

Para que na mag-aksaya ng panahon at ma­muhunan ng tapang ang publiko na magsumbong at maghain ng reklamo sa Ombudsman kung wala namang mangyayari?

Magagarantiyahan ba ni Morales na ang mga kasong idudulog ng publiko kung sakali ay hindi magagamit sa “robbery extortion” o pananakot ng mga tiwaling kasamahan niya sa Ombudsman para pagkaperahan, aber?

Sa impeachment trial noon laban kay yumaong dating Supreme Court Chief Justice Renato Corona, sa bunganga mismo ni Morales nang­galing na alinsunod sa batas – “motu proprio” – ay mandato ng Ombudsman na imbestigahan ang sinomang opisyal na sangkot sa katiwalian, may maghain man ng reklamo o wala.

READ MORE:  Lito a.k.a “Motor” dapat habulin ng BIR

Nakahalata marahil si Morales sa naglahong tiwala ng publiko sa hindi gumaganang sistema ng Ombudsman laban sa mga politiko at opisyal sa pamahalaan na gumagawa ng katiwalian.

Payo natin kay Morales, huwag nang mag-ilusyon na may maipagmamalaki siyang naiambag para malupig ang katiwalian sa gobyerno dahil sila mismo ay pinagdududahan ng publiko na nangongotong sa mga opisyal at politiko na may nakabinbing kaso sa Ombudsman.

Ang tanong, “who will police the police” kung pera-pera at palakasan rin pala ang labanan sa Ombudsman?

 

IBC 13 ANOMALOUS DEAL
AT MGA KASO NI ISKO

MAIPAPALIWANAG kaya ni Morales ang hindi umuusad na mga kasong kinakaharap ni dating Manila vice mayor at ngayo’y Department of Social Worker and Development (DSWD) Under­sikwatari, este, Undersecretary Isko Moreno sa Ombudsman?

READ MORE:  7-month old baby na nangangailangan ng first aid itinaboy ng Jose Abad Santos Mother & Child Hospital

Mabigat ang mga ebidensiya laban kay Isko sa mahigit P700-M plunder case laban sa kanya na anim na taon nang inuupuan sa opisina ni Morales kaugnay ng ghost employee scam sa Manila City Hall na natuklasan ng Commission on Audit (COA).

Suspetsa ng mga taga-Tondo, baka raw nasuntok ni Sen. Manny Paquiao pati ang iba pang mga kaso ni Isko sa “RPT share” at “invisible rice” kaya hanggang ngayon ay tulog pa sa Ombuds­man.

Wala na rin nangyari sa kaso ng maano­malyang bentahan ng IBC 13 property na bilyones ang nalugi sa gobyerno.

May kapalit na suhol ba para kung ‘di man maibasura ay matabunan ang mga kaso sa Ombuds­man?

Sakaling mayroon, tiyak kay Isko pa lang at sa maanomalyang bentahan ng IBC 13 property ay boundary na si Morales.

COMMENTS

About Percy Lapid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved