Monday , August 20 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Bong Go ‘wag kaladkarin kung ayaw sa politika
Bong Go ‘wag kaladkarin kung ayaw sa politika

Bong Go ‘wag kaladkarin kung ayaw sa politika

ILANG beses nang sinabi ni SAP Bong Go, hindi siya nagtatrabaho para ambisyonin ang Senado.

Gumagawa siya batay sa utos ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte at bilang suporta rin sa kanyang liderato.

Ilang beses niyang binigyang-diin ang ganyang pahayag at paulit-ulit itong lumalabas sa media.

Kaya nakapagtataka kung bakit nanatili ang pang-uurot ng mga gustong mawala sa tabi ni Pangulong Digong si SAP Bong Go…

Ano ang interes nila?

Kitang-kita na ang mga nambubuyo kay SAP Bong Go na tumakbo sa Senado ay ‘yung mga atat na atat makapuwesto…

READ MORE:  May moral ascendancy pa ba si Sen. Leila De Lima?

Makapuwesto sa tabi ng Pangulo!

E kung hindi, bakit nga pinipilit nilang kumarera sa Senado si SAP Bong Go?!

Isa pang bagay, siyempre, para matapos man ang termino ni Tatay Digong at mawala na sa Malacañang, may makakapitan pa sila sa Senado.

Kaya huwag na kayong magtaka kung bakit biglang ‘nagmulto’ ang mga dating wala na…

Parang mga ‘zombie’ na nagbangon sa hukay.

Biglang naglutangan habang ‘yung iba naman gumagawa ng paraan para tuluyang ibulid sa pamomolitika si SAP Bong Go.

READ MORE:  Sweldo ng mga empleyado pinakikialaman na rin ng Kamaganak Inc. sa Pasay City

‘Yung mga nambubuyo kaya kay SAP Bong Go lalo na ‘yung natulungan niyang mabigyan ng pu­westo ay nagtatrabaho naman kaya nang maayos para makatulong man lang sa maka­buluhang pagbabagong isinusulong ni Pangulong Digong?!

E baka naman puro sipsip lang kay SAP ang ginagawa? Puwede ba magtrabaho muna kayo?! Gustong mapuwesto sa gobyerno pero puro pamomolitika ang tinatrabaho.

Aba, magtrabaho kayo, hindi ‘yung wala kayong ginawa kundi pag-isipan kung paano katasan at linlangin ang mga kinakapitan ninyo.

READ MORE:  Kulelat ba ang intel ni Defense USec Ric David Dayunyor?

Aba ‘e parang takaw na takaw kayo sa PR funds na ilalabas ni SAP Bong Go kapag nabuyo na ninyong tumakbo?!

Hindi man direktang manggagaling sa bulsa ni SAP pero tiyak hahanap ang mga ‘yan ng supporters at donors para ibenta ang pangalan ni Bong Go.

Kumita na, nakasipsip pa kay SAP!

Ay sus!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved