Monday , August 20 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Mukha ni KZ, ginawang cellphone covers sa China
Mukha ni KZ, ginawang cellphone covers sa China

Mukha ni KZ, ginawang cellphone covers sa China

USAPING Singer 2018 ay malaki ang nagawa nito sa buhay ni KZ dahil mas lalo siyang nakilala sa buong Asya at bansang hindi sakop ng Asya. Sa katunayan, may mga ibinebentang cellphone covers na mukha pa niya ang ginamit.

“Nakatatawa nga, nakaka-proud sana nakakabenta naman sila, ha ha ha. Sana talaga nakatutulong sa benta nila ‘yung pagmumukha ko,” natawang kuwento.

READ MORE:  Cowley, magdadala ng labi ni Isabel

Tanong namin kung humingi siya ng royalty dahil mukha niya ang ginamit, ”hindi na, buti nga ginamit nila mukha ko, ha, ha, ha,” natawang sabi ng dalagang singer.

READ MORE:  Sikat na aktres, minaliit ang tulong na ibinigay ng kaibigan

Nabanggit pa ni KZ na ‘yung producer ng Singer 2018 ay nagsabi na sa rami ng magagaling na singers sa Pilipinas ay puwede na nilang gawan ng solong show.

“Kasi napanood nila during the audition ‘yung mga singer na nag-audition,” saad ni KZ.

READ MORE:  Carla, paragon of grace and breedings

Sabi pa, ”Kasi ‘yung mga tao sa China parang sa Philippines din, sabik silang makarinig din ng iba (singers), pero ‘yung heart nila mas malapit pa rin sa ballad.”

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved