Friday , December 14 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Sino ba talaga ang may malasakit sa mga mangingisdang Filipino?
Sino ba talaga ang may malasakit sa mga mangingisdang Filipino?

Sino ba talaga ang may malasakit sa mga mangingisdang Filipino?

NAKAGUGULAT ang pag-iingay si Party-List Rep. Gary Alejano tungkol sa mga mangingisda sa Scarborough Shoal?

Bilang dating sundalo, bakit hindi niya pagtuunan ng pansin ang pondo para sa moder­nisasyon ng AFP o ng Philippine Coast Guard?

Mukhang nasasama sa tropang “barking up the wrong tree” si Cong. Gary?!

O baka naman gusto niyang ibaling ang sisi sa admi­nistrasyong Duterte para pagtakpan ang mga kapalpakan ng kanyang party-mate na si Senador Sonny Trillanes?

READ MORE:  It’s payback time na ba ni Sixto kay De Lima?!

Cong. Gary, huwag po nating gamitin ang kahirapan ng mga mangingisda para sa pan­sariling interes sa politika.

Baka matulad kayo sa inyong party-mate na si Senador Tril­lanes na nagmarunong at nagsimula ng back-channel negotiations sa China kahit hindi naman siya expert sa diplo­matic negotiations.

READ MORE:  Demonyong video karera ni Pidyong largado sa Maynila!

Baka dapat ay pagtuunan na lang ninyo ang inyong trabaho bilang tagagawa ng batas para sa mga sundalo para hindi nila kayo ikahiya pagkatapos ng inyong termino.

Sa panahon lang po ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte tumaas ang suweldo at benepisyo ng mga sundalo, pulis at coast guard.

READ MORE:  Disenteng trabaho alay sa Parañaqueño (Mega job fair 2016)

Nabigyan din ng mga bagong armas at kagamitan para mas magampanan nila ang kanilang tungkulin sa bayan.

Esep-esep din ‘di ba?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved