Tuesday , June 19 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Pang-apat mula noong 27 Disyembre 2017: Pari itinumba sa simbahan

Pang-apat mula noong 27 Disyembre 2017: Pari itinumba sa simbahan

READ: 72-anyos pari itinumba sa Nueva Ecija

READ: PNP nagbuo ng special team (Para sa pinaslang na pari)

READ: Pari itinumba sa harap ng altar (Pagkatapos magmisa)

READ: Palasyo ‘tahimik’ (Sa pagpatay sa isang pari matapos siyang magmisa)

PINAGBABARIL ang isang pari sa Nue­va Ecija sa loob mismo ng sim­bahan matapos siyang magmisa ka­gabi.

Batay sa inisya na ulat, pumasok ang mga armadong kalalakihan sa loob ng San Pablo Chapel sa Zaragoza, Nueva Ecija at pinagbabaril si Fr. Richmond “Nilo” Villaflor na katatapos lang mag­mi­sa.

Si Fr. Nilo ang ikat­long pari na pinatay sa loob ng nakalipas na anim na buwan.

Nauna rito, tinam­bangan noong 5 Disyem­bre 2017, si Fr. Marcelino Paez sa Nueva Ecija ha­bang pauwi mula sa pag­dalaw sa isang politi­cal detainee sa bilang­guan.

Noong 29 Abril 2018, pinaslang ng hindi kilalang mga suspek si Fr. Mark Ventura ilang mi­nuto makaraan siyang magmisa sa Brgy. Peña, West, Gattaran, Cagayan.

Habang si Rev. Rey Urmeneta ay malubhang nasugatan nang tam­bangan sa Calamba City, Laguna noong nakaraang Miyerkoles, Hunyo 6.

Mula nang maluklok sa Palasyo si Pangulong Rodrigo Duterte, ilang beses na siyang nagpa­kawala ng maanghang na pagbatikos sa mga alagad ng Simbahang Katolika.

ni ROSE NOVENARIO

COMMENTS

About Rose Novenario

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved