Thursday , November 15 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Ynez, may buwelta kay Dupaya
Ynez, may buwelta kay Dupaya

Ynez, may buwelta kay Dupaya

MARIING pinabulaanan ni Ynez Veneracion na sinabihan niya ng scammer ang negosyanteng si Kathy Dupaya sa kanyang social media accounts.

Ayon kay Ynez, ”No, hindi totoo iyon. Nag-post po ako. Sabi ko ho ganoon na magkakaroon po ako ng presscon about the Ignite (Regine Tolentino dance concert) show.

“Sabi ko magsa­salita ba ako sa press kasi hanggang ngayon hindi ko pa nakukuha ang pera ko. Iyon po ang inilagay ko sa post ko.

“Ito po ang pagkakasabi ko. Eksaktong pagkakasabi: ‘Feeling ko nai-scam ako’. Pero wala akong sinabi na ‘ini-scam ako ni Kathy Dupaya’. Iba po iyon. Karapatan ko po iyon, eh. Iyon ang nararamdaman ko na feeling ko na-scam ako kasi hindi ko pa nakuha ang pera ko.”

At balak sampahan ni Ynez si Ms. Dupaya ng libel at cybercrime dahil sa paninira sa kanya.

READ MORE:  TF ni Rachelle, paghahati-hatian na lang nina Kyla, KZ, Yeng at Angeline
READ MORE:  karakter ng mga lola nina Jose, Wally at Paulo, pinakatinanggap

MATABIL
ni John Fontanilla

COMMENTS

About John Fontanilla

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved