Friday , December 14 2018
Breaking News
You are here: Home / Sports / Warriors namumuro sa titulo
Warriors namumuro sa titulo

Warriors namumuro sa titulo

NAMUMURONG  sikwatin ng Golden State Warriors ang back-to-back titles matapos payukuin ang Cleveland Cavaliers, 110-102 kahapon sa Game 3 ng 2017-18 National Basket­ball Association, (NBA) finals.

Kumayod si Kevin Durant ng 43 points, 13 rebounds at pitong assists upang tulungan ang War­riors na ilista ang 3-0 serye at mamuro sa titulo.

READ MORE:  Chezka Centeno: 15 pa lang, pang-kampeon na!

Sa history ng NBA, walang nakabangon mula sa 0-3 pagkakalubog kaya naman malabo nang matu­pad ng Cavaliers  ang in­aasam na makahablot ng korona.

Muling ilalaro sa Cleve­land ang Game 4, kailangang makuha ng Cavs ang panalo upang hindi sila mawalis sa best-of-seven series.

READ MORE:  Duke of Windsor magtatangka pa rin

Tumikada si Stephen Curry ng 11 points para sa Warriors habang nag-ambag sina Klay Thomp­son, Draymond Green, JaVale McGee at Jordan Bell ng tig 10 puntos.

Kumayod naman si four-time Most Valuable Player, (MVP) LeBron James ng 33 markers, 11 assists at 10 rebounds subalit kinapos pa rin para itaguyod sa panalo ang Cavaliers.

READ MORE:  Sports Shocked: NLEX tumutukod sa endgame

Nagtala si Cavaliers center Kevin Love ng 20 puntos at 13 rebounds habang may 15 at 13 markers sina Rodney Hood at JR Smith ayon sa pag­kakasunod. (ARABELA PRINCESS DAWA)

COMMENTS

About Arabela Princess Dawa

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved