Thursday , April 18 2024

Impeachment at Quo Warranto, isang paliwanag (Ikaapat bahagi)

MATAPOS natin maipakilala si Sereno ay aalamin ang isang pangyayari na sa palagay ng Usaping Bayan ay dapat malaman ng lahat.

Hindi nag-inhibit sa deliberasyon ng Quo Warranto petition

Bago nagkaroon ng deliberasyon at desisyon sa isyu ng Quo Warranto ay hiningi ni Sereno ang pag-inhibit o hindi pagsali sa usapin nina As­sociate Justices Diosdado Peralta, Teresita De Castro, Lucas Bersamin, Samuel Martires, Francis Jardeleza at Noel Tijam dahil sa umano ay bias sila laban sa kanya.

Lumabas umano ang bias nila nang sila ay tumes­tigo laban sa kanya sa panahon ng impeachment hearing ng House Committee on Justice. Pansinin na ang pangalan ni De Castro at Jar­deleza ay kasama sa listahan ng mga inerekomenda ni Peralta kay Aquino para kanyang pagpilian kung sino ang iuupo noon (2012) na Supreme Court bilang Chief Justice. Si Peralta ang chairman ng JBC noong taon na iyon. Ang kinalaman ni Peralta tungkol sa JBC ang isa sa mga dahilan kaya hiningi ni Sereno ang kanyang inhibition.

Bukod dito, ayon sa tala ng Mataas na Huku­man, naniniwala rin ang dating Chief Justice na bias si Peralta laban sa kanya da­hil may pa­ni­wala na siya ang may kaga­gawan kaya naalis ang pa­ngalan ng kanyang asawa, na si Court of Appeals As­sociate Justice Fernanda Lampas Peralta, sa listahan ng mga kandidato para ma­ging Pre­siding Justice ng Appellate Court.

Pinabulaanan ni Peralta ang bintang ni Sereno at sinabing suportado niya ang reporma na ginagawa nito sa Korte Suprema. Ipinaliwanag din niya na kahit siya ang JBC chair noong 2012 ay “hindi niya nalaman” ang isyu tungkol sa SALN ni Sereno.

At katulad ng lahat na Associate Justices na hinilingan ni Sereno na huwag makisangkot sa deliberasyon, hindi rin nag-inhibit si Peralta.

Parang kalamansi sa sugat na kinatigan ni Tijam ang kanilang pasya na huwag mag-inhibit sa deliberasyon ng Quo Warranto petition ni Calida laban kay Sereno.

 

Judge, Jury at Executioner

Dahil hindi nagpasintabi ang mga kasamahan na hinilingan ni Sereno na mag-inhibit, lumabas tuloy na sila ang mga kasamang may sama ng loob sa sinampahan ng Quo Warranto ang umakto na adjudicator (judge), taga-hatol (jury) at tagapagpatupad (berdugo o executioner) ng pasya kaugnay sa Quo Warranto petition ni Calida.

Hindi alam ng Usaping Bayan kung makata­rungan ang ganitong siste na iisang lupon ang mag-a-adjudicate, huhusga at magpapatupad ng sentensiya. Bukod pa rito, sila ay magkakasama sa trabaho at tiyak na may kanya-kanya na silang personal na maganda o pangit na saloobin o impression sa bawat isa.

‘Ika sa Ingles this is not a disinterested body that will decide on a certain issue. May dahilan kung bakit hangga’t maari ay hindi iniimbestigahan ng bawat isa ang isa’t isa sa isang tinatawag na collegial body.

(May kasunod sa Miyerkoles)

***

Pasyalan ninyo ang Beyond Deadlines sa www.beyonddeadlines.com para sa mga balita sa ating nagbabagang panahon. Sana ay makaugalian ninyo na bisitahin lagi ang website ng Beyond Deadlines. Salamat po. Pasyalan nyo rin ang pahayagang Hataw sa hatawtabloid.com kung saan lumalabas din ang Usaping Bayan tuwing Miyerkoles at Biyernes.

USAPING BAYAN
ni Nelson Forte Flores

About Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Sinong gustong dumaan sa EDSA Carousel?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa mga nagdududa sa ‘kasagradohan’ ng EDSA Carousel …

Sipat Mat Vicencio

Mayor Abby Binay pasok sa ‘Magic 12’ ng Pulse Asia, hahaha…

SIPATni Mat Vicencio SINO ba naman ang maniniwala sa ginawang survey ng Pulse Asia kamakailan …

Dragon Lady Amor Virata

Ikot-ikot na para sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata IBA’T IBANG pakulo o propaganda na ang sinisimulan ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD nakapagtala ng 82.61% Crime Solution Efficiency sa nagdaang Semana Santa

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG hindi maiwasan na saluduhan ang Philippine National Police (PNP) sa …

YANIG ni Bong Ramos

Riders at tricycle drivers, ‘suki’ ng traffic enforcers

YANIGni Bong Ramos KAHABAG-HABAG ang kalagayan ng riders at tricycle drivers dahil sila ay suking …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *