Monday , September 24 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Bong Go, humingi ng dispensa; Kris, himanon si Mocha: ‘Di kita uurungan
Bong Go, humingi ng dispensa; Kris, himanon si Mocha: ‘Di kita uurungan

Bong Go, humingi ng dispensa; Kris, himanon si Mocha: ‘Di kita uurungan

NASA bansa na sina Kris, Joshua, at Bimby Aquino kahapon bandang 7:00 a.m. at pawang colored and metallic balloons ang sumalubong sa mag-iina pagpasok nila ng kuwarto bilang pagbati sa kaarawan ng panganay na anak.

Habang papasok ng bahay ang magkapatid na Joshua at Bimby ay kinunan silang inaantok pa na ayon sa mama Kris nila, “Because I’m a mom. Medyo antok na si kuya & makulit ako but we are home & I was so excited about the balloons to surprise kuya Josh kahit ano man ang pinagdaraanan ko—my sons should never carry that burden. #family #home#lovelovelove (take note you’ll hear bimb say dedma- now u know bakit naka apak talaga ko sa lupa because of these 2 boys).” 

Nagulat ang lahat ng followers ni Kris sa socmed nang bigla siyang mag Facebook live at iba pa ‘yung ipinost niyang video sa IG account niya na sinagot niya si Asec Mocha Uson dahil sa ginawang pambabastos sa magulang niya.

Inisa-isa ni Kris ang mga atraso ni Mocha sa pamilya niya.

READ MORE:  Sylvia, super proud kay Arjo lalo na nang purihin ni Direk Malu

“Mocha Uson—marami akong pinalagpas. Binalahura mo na ang buong pagkatao ng pamilya namin. Mapapansin mo si Noy, hindi parte ng video ko dahil BUHAY siya. Kaya niyang depensahan ang sarili niya. Pero noong napanood ko ‘yung in-upload mo para depensahan si Presidente Duterte (na ni minsan hindi ko pinakitaan nang hindi maganda) alam mo ba kung ano ang ginawa mo?

“Sinariwa mo ang sugat sa puso ng isang batang 12 years old noong pinaslang ng walang kalaban-laban ang kanyang ama. Umiyak ako ng tuloy-tuloy dahil NAINGGIT ako sa 2 babaeng nakahalik sa Dad ko bago siya pinatay. Isang regalong hindi ibinigay sa nanay ko na walang tigil mo ring binabastos.

“Nangako akong hindi kita papatulan—but this time you crossed the line. You reminded me of how much I hurt my mom noong buntis ako kay Josh & na-disown ako pero noong 1 month si kuya—naglakas loob akong pumunta sa Times Street & once kinarga niya ‘yung apo niya—siya na ‘yung pinaka-nagmahal sa anak kong may autism.

“Ipinaalala mo na noong issue namin ni Joey, noong umamin ako sa STD, niyakap lang ako ng nanay ko. Sa lahat ng naging palpak sa buhay ko—’yun siguro ang kaibahan naming—WALA KAMING PINAGTAKPAN.

READ MORE:  Mariel, hindi pa rin handang magka-anak

“Wala kaming ginamit. Inako ko lahat ng mali ko at dahil nga minahal ako ng nanay ko at gusto kong maging mabuting ina—sinisikap kong ayusin ang buhay ko. Kaya ngayon hihiramin ko ang salita niya: TAMA NA. SOBRA NA. Kung may gusto kang punching bag, please ako na lang. Kasi buhay ako, kaya kitang sagutin. At hindi kita uurungan.”

At dahil kailangan makarating kay Presidente Rodrigo Roa Duterte ang ginawa ni Mocha ay humanap ng paraan si Kris para makontak si Special Assistant to the President, Bong Go na noong malaman nito ang nangyari ay kaagad humingi ng dispensa sa Queen of Online World at Social Media.

Post ni Kris sa IG, “I took the courage to reach out to PRRD’s SA Bong Go (sorry sa initial post, nag auto correct to Gong- although cute ‘yung Bong Gong). Thank you commissioner Aimee Neri for helping me reach him via text. 

“I have known & liked him for 8 years. In this instance I am Ninoy Aquino’s daughter- he believed in the power of true & honest communication. SA Bong, thank you for your reply. Thank you for taking my feelings as a daughter into consideration & showing me EMPATHY.

READ MORE:  Marian, nagpunta ng gay bar (Immune na sa bashers)

“I am most grateful for a man as powerful as you are now for texting & vibering me the words, “we are sorry for the incident.” You have my sincere gratitude. We all have 1 goal, a nation we can be proud of, and the best possible prosperous lives for all Filipinos. I love our country as much as our president does. I pray for #PEACE& mutual #respectfor all of us. God bless you.”

Habang tinitipa namin ang balitang ito ay walang bagong post si Kris na inisip namin ay kumalma na maski paano ang kalooban niya dahil nakausap na niya si SAP.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved