Saturday , September 22 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / ‘Survey says’ uso na naman!
‘Survey says’ uso na naman!

‘Survey says’ uso na naman!

ILANG buwan bago ang filing ng certificate of candidacy (COC) para sa midterm elections heto’t nauuso na naman ang sari-saring survey.

Isa sa sinasabing tumataas ang rating sa survey ang natalong senador at dating chairman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na si Atty. Francis Tolentino.

Mula sa pamilya ng politiko sa Tagaytay City, lalong pumutok ang kanyang pangalan nang ‘magregalo’ ng singing and dancing group na Playgirl sa kampanya ni dating Laguna congressman Benjie Agarao.

‘Yun, pumutok ang pangalan ni ex-MMDA chief Tolentino. Doon lang natin natatandaan na siya ay pinag-usapan at nagresulta pa nga sa pagkakatanggal niya bilang senatorial candidate ng Liberal Party.

Tapos ngayon, makikita natin na abot-tanaw at angat na sa senatorial race si Atty. Francis?!

Wattafak!?

Hindi natin alam kung ano ang naging base ng survey nila pero dalawang bagay lang: Binobola ba ng nasabing survey si Tolentino? O nagpapa-trending si Tolentino?

Alin man sa dalawa ang layunin ng nasabing survey, hindi natin nakita na nagtagumpay sila.

Pinipilit ng nasabing survey na pasok sa 20-26 puwesto si Tolentino. Sa totoo lang, hindi naman survey ang dapat na paniwalaan o maging basehan ni Tolentino para sa kanyang political career, lalo na kung ang sinasabing survey ay kapos ng kredebilidad.

Puwersa, numero, timing, logistics at sweeping effect ng kanyang kampanya ang dapat pagtuunan ni Tolentino. Higit sa lahat, huwag maniwala sa sariling propaganda, dahil ito ang unang dahilan ng pagkatalo ng kahit sinong kandidato.

Sa isang survey, hindi natin nakita na lumabas ang pangalan ni Tolentino pero nasilip natin ang pangalan ni dating senador Jinggoy Estrada na nasa ikatlong puwesto.

Sa mag-utol na sina JV Ejercito at Jinggoy, higit na lumalarga at llamado sa survey ang panganay ni Dra. Loi kaysa unico hijo ni Mayor Guia Gomez. Dapat sigurong mag-toss coin ang mag-utol upang hindi mahati at masayang ang kanilang boto.

Sa darating na Oktubre, mag-uumpisa nang maghain ng kanilang COC ang mga kandidato. Sana naman, sa pagkakataong ito, matupad na ang wish ni Atty. Francis Tolentino.

Kung si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte nga e bilib at naniniwala na maipapanalo ni Atty. Francis ang laban, kaya dapat niyang pagsika­pang maabot ang tagumapay sa senatorial race.

Kaya kung seryoso si Atty. Francis T,. na maipanalo ang laban, aba umpisahan na niyang umikot sa mga probinsiya.

I-Bong Go na ‘yan ‘este i-go na ‘yan! Go Francis T., go!

MULING PAGBUBUKAS
NG BORACAY
MATATAGALAN PA

MALUNGKOT na balita para sa mga mama­mayan at turista ng Boracay.

Ayon sa nakalap nating impormasyon, higit pa raw sa 6 na buwan ang itatagal ng pagsasara ng isla.

Susmaryosep!

Matapos daw magkaroon ng sagutan sa pagitan ni DENR Secretary Roy Cimatu at ng Henann Group of Resorts CEO Alfonso Chusuey tungkol sa nadiskubreng sandamakmak na illegal pipes na dinaraanan ng mga dumi, ebak, basura at iba pang kalat ng mga establisimiyento sa buong lugar.

Wattafak!?

Sang-ayon sa mga nakasaksi, talagang tahasan at walang habas kung magtapon sa dagat ng Malay, Aklan ng mga nakadidiring naipon na basura at sinoman ang makakita nito ay magdadalawang-isip pa kung sila ay maglu­lunoy pa sa dating malaparaisong kara­gatan.

Dahil dito, na-highblood na nga raw ang kalihim ng DENR kaya agad ipinag-utos na hukayin ang lahat ng sewerage system ng mga komersiyal na establisimiyento at isa-isang i-check kung ano pa ang nilalabag na regulasyon ng mga may-ari ng establisimiyento.

Nangkupo!

Naloko na!

Hindi lang naman sewerage system ang nakikitang magtetengga sa pagbubukas ng Bora.

Maski mga kalsada raw na kinakailangang lawakan ay hindi pa lahat nauumpisahang hukayin.

Kasama pa ang mga tindahan at hotels na lumampas sa 25 meters na itinakdang agwat mula sa dagat.

Paktay!

Ang alam natin,  pati nga ang mga grandiosong hotel ng Henann, Shangrila, Movenpick, Fridays at marami pang iba ay hindi makaliligtas sa 25 plus 5 meters away from the shoreline na bagong regulasyon diyan!

Tsk! Tsk! Tsk!

Pero ano itong narinig natin na may mangilan-ngilan pang hotels na nagpapatakbo ng online gaming sa lugar na ‘yan?!

Alam kaya ito ng lokal na gobyerno ng Malay?

Baka po kinakailangan mag-spot check kayong mabuti sa ilang tagong bahayan diyan dahil pinag-utos na ng pamahalaan na i-vacate ang sinuman na nagsasagawa ng negosyo habang inaayos ang kabuuan ng isla?

Maging “fair” dapat ang kalakaran para iwas dagdag na issue para sa buong isla!

Start from the scratch sabi nga nila?!

At ‘yung mga nangangarap na muling makatuntong sa paraiso ng Boracay aabutin pa ‘ata ng siyam na buwan bago muling ma-enjoy ang bagong simoy ng isla!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved