Saturday , September 22 2018
Breaking News
You are here: Home / News / P74.8-M shabu kompiskado, 4 tulak arestado (Sa Parañaque at Cavite)

P74.8-M shabu kompiskado, 4 tulak arestado (Sa Parañaque at Cavite)

AABOT sa P74.8 milyon halaga ng shabu ang nakompiska ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang controlled delivery operation sa Parañaque City at Cavite, kamaka­lawa.

Ayon kay PDEA Director General Aaron N. Aquino, arestado sa ope­rasyon ang mga suspek na sina Dolores Lintag, 51; Melchor Corocoto, 29; Daniel dela Cruz, 21, at William dela Pizza.

IPRENESINTA sa mga mamamahayag ni PDEA Director General Aaron Aquino ang kompiskadong P74.8 milyon halaga ng hinihinalang shabu sa controlled delivery operation sa Parañaque City at Bacoor City, Cavite, na nagresulta sa pagkakadakip sa apat katao. (ALEX MENDOZA)

Ang apat ay nadakip sa magkahiwalay na operasyon ng PDEA Regional Office 3, sa ilalim ni Director Gil T. Pabilona, sa pakiki­pagtulungan ng PDEA National Capital Region (PDEA NCR), sa ilalim ni Director I Ismael Fajardo Jr., at PDEA Regional Office  lV-A, sa ilalim ni Director Adrian Alvarino at Bureau of Custom (BoC) sa Brgy. San Martin de Porres, Parañaque City at sa San Nicolas, Bacoor City.

Nauna rito, ipinaa­lam sa PDEA RO3 ng Bureau of Custom (BoC) ang kahina-hinalaang bagahe na ibinigay sa kanila ng isang freight forwarding service sa Clark Freepot Zone A.

Naka-address ang mga bagahe sa Parañaque at Bacoor. Pagkabukas ng PDEA sa bagahe, kumu­ha sila ng sample at lumabas na positibong shabu nang isailalim sa eksaminasyon.

Makaraan nitong 4 Hunyo, bumuo ng dala­wang team ng PDEA at magkahiwalay na nagsa­gawa ng pagsalakay sa Brgy. San Martin de Porres sa Parañaque City at sa San Nicolas, Bacoor City.

Sa Parañaque City, nakompiska ang isang box na idineklarang naglalaman ng grill pan at stool bar ngunit nadisko­bre na naglalaman ng 6.5 kilo ng ilegal na droga, na P44,200,000 ang halaga, kaya dinakip sina Coro­coto at Lintag.

Habang sa Cavite, isang kahon na nalalaman ng piano chair ang nakitaan ng hinihinalang 4.5 kilo ng shabu, na P30,600,000 ang halaga. Inaresto ng mga awtori­dad sa nasabing ilegal na droga sina Dela Cruz at Dela Pizza.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 4 (Importation of Danger­ous Drugs) Article II ng Republic Act  9165, mas kilala sa Comprehensive Dangerous Drugs of 2002, ang mga suspek.   

(ALMAR DANGUI­LAN)

COMMENTS

About Almar Danguilan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved