Sunday , September 23 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Fiscal sibak sa US$10-M Okada estafa cases
Fiscal sibak sa US$10-M Okada estafa cases

Fiscal sibak sa US$10-M Okada estafa cases

READ: ‘Whitewash’ sa Okada case leakage pinalagan

READ: Piskal lagot sa DOJ (Sa leak ng ‘lover’ ni Okada)

READ: Piskal ipinahamak ng ‘lover’ ni Okada

TINANGGAL na sa poder ng Parañaque prosecutor ang pagre­solba sa higit US$10-milyong kaso ng estafa laban kay Japanese gambling mogul Kazuo Okada.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, inatasan na rin niya ang National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang pag-leak ng mga resolusyon ni Parañaque City Prosecutor Amer­has­san Paudac sa social media accounts ng Korean ‘lover’ ni Okada na si Chloe Kim bago ito opisyal na maibigay sa mga partido.

“We have requested the NBI to investigate the leak. I understand that Prosecutor Paudac has inhibited himself. So DOJ will handle any further motions or incidents in the Okada cases,”ani Guevarra.

Nitong 1 Hunyo, hiniling ng Tiger Resorts Leisure & Entertainment Inc., sa DOJ na imbes­tigahan si Paudac dahil sa paglabag sa rules at procedures at sa Code of Conduct for Prosecutors sa paghawak ng mga kaso sa kanyang tangga­pan.

Inakusahan ng TRLEI si Paudac ng bias at partiality dahjl sa pag-leak ng mga kopya ng kanyang mga resolu­s-yon na nagbabasura sa mga kasong estafa laban kay Okada na ang mga dispositive na bahagi ay lumagpak sa social media accounts ni Kim.

Ang TRLEI ang may-ari at operator ng marangyang Okada Manila sa malawak na Entertainment City sa Parañaque kung si Okada ang chief executive officer bago siya mapatalsik noong isang taon dahil sa pagwawaldas nang mahigit US$10 milyong pondo ng kompanya.

Sa reklamo, hiniling ng  TRLEI kay Guevarra na pigilan si Paudac sa pag-iimbestiga sa naturang leak na iniutos mismo sa hinalang mag­ka­karoon ng whitewash sa imbes­tigasyon at para na rin mahawakan ng Justice chief ang kaso.

Bumitaw si Paudac sa kaso ngunit hindi niya ikinaila na nai-leak ang mga resolusyon na tulu­yan ding nailabas ng opisyal habang ignigiit na wala namang nabago sa nilalaman n ito.

Sa halip na ibigay ang mga record ng kaso sa DOJ at lumayo dito ay bumuo pa si Paudac ng panel upang imbestiga­han ang leak sabay hiling sa NBI na magsagawa ng forensic examination sa social media accounts ni Kim upang malaman kung ang mga post nito ay “fake or not, and how and from whom said account holder was able to obtain said photo­graphs.”

“The formation of an investigating panel when he himself would be investigated is improper, self-serving and unjusti­fied, and would only preempt the investiga­tion that should be conducted by the DOJ,” komentaryo ng TRLEI.

Hiniling ng TRLEI kay Guevarra na ipawa­lang-bisa ang investiga­tion order ni Paudac at pigilan ang panel na imbes­tigahan ang leak­age.

“It is the DOJ, not the panel formed by Paudac that should properly investigate the leakage of resolutions that hap­pened at the Paraña­que prosecutor’s office,” sabi ng TRLEI.

Idinemanda ng TRLEI si Okada sa Para­ñaque Prosecutor’s Office dahil sa unauthor­ized disbursements ng mahigit US$10 milyong pondo ng kompanya sa pagitan ng 2016 hang­gang Hunyo 2017.

Nahaharap din si Okada sa iba pang mga kaso sa South Korea, Hong Kong at Japan.

(HNT)

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved