Saturday , June 23 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Ellen, ‘di nakarating sa preliminary investigation
Ellen, ‘di nakarating sa preliminary investigation

Ellen, ‘di nakarating sa preliminary investigation

HINDI nasipot ni Ellen Adarna ang preliminary investigation ng kasong isinampa laban sa kanya ng isang menor de edad na pinagbintangan niyang kumukuha ng video sa kanila ng boyfriend niyang si John Lloyd Cruzsa isang ramen house sa Makati. Mali ang bintang ni Ellen at humihingi ng isang public apology ang mga magulang ng bata, pero hindi niya pinakinggan iyon. Nagdemanda sila sa Pasig.

Pero natawa kami roon sa sinasabing hindi nakasipot si Ellen sa hearing. Kasi basta ganyang mga artista ang involved, ang ipinadadala ay mga showbiz reporter, hindi iyong talagang mga court reporters. Kaya kung minsan hindi nila alam kung ano iyong hearing sa husgado o iyong preliminary investigation lamang sa piskalya.

Hindi nga sumipot si Ellen, ni walang abogado. Unang dahilan, namatay at kasalukuyang nakaburol pa ang kanyang ama sa Mandaue, Cebu. Ikalawa, maaaring itanong kung natanggap ba niya ang summons sa kanya? May nakapagbigay ba ng tamang address niya, dahil kung hindi, habang hindi nakararating sa kanya ang summons, ni hindi masisimulan ang kasong iyan.

Ang magagawa ng mga nagdemanda, sasabihin nila sa korte na ang demanda nila laban kay Ellen ay “public knowledge” naman, tapos magbabayad sila ng legal notice sa ilang lehitimong diyaryo na may national circulation kagaya nitong Hataw, at iyon bale ang kahalili ng delivery ng summons.

Habang hindi umaabot doon, wala talagang kapupuntahan ang kasong iyan. Habang wala iyan sa korte, hindi naman sila makapaglalabas ng warrant. Hindi naman maisasampa iyan habang hindi nakararating kay Ellen sa isang legal na paraan ang balita sa demanda.

Hindi puwedeng ilagay mo lang sa Facebook o sa Twitter alam na niya. Hindi puwedeng gamitin ang social media sa mga bagay na legal.

HATAWAN
ni Ed de Leon

COMMENTS

About Ed de Leon

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved