Sunday , September 23 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Bagyong Domeng nasa PAR na
Bagyong Domeng nasa PAR na

Bagyong Domeng nasa PAR na

PUMASOK ang low pressue area sa Philippine area of responsibility habang lumalakas upang maging bagyo, ayon sa ulat ng state weather bureau PAGASA, nitong Martes.

Sinabi ni weather fore­caster Aldczar Aurelio, ang tropical depression “Domeng” ay inaasahang palalakasin ang south­west monsoon na magdu­dulot ng malakas na buhos ng ulan sa Luzon at Visayas sa Huwebes.

Ang sentro ni Domeng ay namataan sa 675 kilometers east ng Guian, Eastern Samar. Ito ay may lakas na 45 kilo­metro bawat oras malapit sa gitna at may pagbug­song 60 kilometro kada oras.

Ang bagyo ay hindi inaasahang babagsak sa lupa ngunit ang pag-ulan dulot nang pinalakas na southwest monsoon ay nakatuon sa western section ng Luzon at Visayas.

Binabantayan din ng PAGASA ang isa pang low pressure area sa labas ng PAR ngunit sinabi ng state weather bureau na ito ay malulusaw habang sumasanib sa bagyong Domeng sa susunod na ilang araw.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved