Saturday , June 23 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Noynoy umaming matutulad kay De Lima
Noynoy umaming matutulad kay De Lima

Noynoy umaming matutulad kay De Lima

INIHAYAG ni dating Pangulong Benigno Aqui­no III kahapon, hin­­di niya maalis sa kanyang isipan na po­sibleng mangyari sa kan­ya ang naging kapalaran ni Senadora Leila de Lima na kina­suhan at ikinulong.

“Hindi natin maii­wasan mag-isip nang gano’n,” pahayag ni Aquino sa press con­ference makaraan ihain ang kanyang tugon sa reklamo laban sa kanya sa Department of Justice, kaugnay sa P3.5-bilyong dengue immunization pro­gram ng kanyang administrasyon.

Si De Lima, kinasu­han bunsod ng umano’y pagkakasangkot sa illegal drug trade sa New Bilibid Prison noong siya ay Justice secretary sa ilalim ng administrasyon ni A­quino, ay hindi pa naba­basahan ng sakdal at hindi pa nililitis kaugnay ng mga kasong inihain sa kanya.

Si De Lima na mahig­pit na kritiko ni Duterte, ay mahigit isang taon nang nakakulong dahil umano sa itinuturing ng mga alyado ng senadora na “political persecu­tion.”

Sa kabilang dako, si Aquino ay nahaharap sa mga kaso hinggil sa umano’y kanyang pana­nagutan sa Dengvaxia fiasco.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved