Monday , September 24 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Aga, pinanindigan ang pagiging ma-AGA
Aga, pinanindigan ang pagiging ma-AGA

Aga, pinanindigan ang pagiging ma-AGA

SA ginanap na Nominees Night ng The Eddys nitong Linggo, Hunyo 3 sa 38 Valencia Events Place, hindi nakadalo ang ilan sa mga nominado dahil may kanya-kanya silang lakad at ‘yung iba ay nasa ibang bansa.

Alas singko ng hapon ang imbitasyon at sakto, dumating si Aga Muhlach kaya nagulat ang ibang miyembro ng Society of Philippine Entertainment Editors o SPEEd dahil super aga nga itong dumating.

READ MORE:  PA, ‘di natiis ang tantrums ni komedyana

Nominado si Aga sa kategoryang Best Actor para sa pelikulang Seven Sundays.

Pagkatapos kunin ng aktor ang Certificate of Nomination at picture taking ay umalis na dahil maaga ang flight niya kahapon ng madaling araw patungong Vancouver, Canada para sa shooting nila ni Bea Alonzo na ididirehe ni Paul Soriano produced ng Viva Films.

Sabi nga mga taga-SPEEd, “iilan palang kaming nandito, dumating na si Aga, maski nga si Manay Ethel Ramos, hindi sila nag-abot. Nakatutuwa si Aga.”

Ang mga hindi nakapunta ay nagpadala ng representatives para tanggapin ang sertipiko ng nominasyon.

READ MORE:  Lea, kakanta ng theme song ng Dyesebel

Nakita naming dumalo para sa Best Actor category din si Edgar Allan Guzman para sa Deadma Walking; Best Supporting Actor naman sina Dido de la Paz, Respeto; Arnold Reyes, Birdshot, at Sid Lucero para sa Smaller and Smaller Circles.

Sa Best Actress ay bukod tanging si Mary Joy Apostol ang dumalo para sa pelikulang Birdshot at wala namang dumalo sa Best Supporting Actress.

READ MORE:  Ellen Adarna nagpakatotoo sa split nila ni Baste!

Sana lang lahat ng mga nominado sa TheEddys ay makadalo sa awards night sa Hulyo 9, The Theater @ Solaire na produced ng Wish at suportado ng Globe, FDCP, One Mega, at Inside Showbiz.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved