Saturday , June 23 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 5,000 cops bantay sa class opening (Sa NCR)
5,000 cops bantay sa class opening (Sa NCR)

5,000 cops bantay sa class opening (Sa NCR)

MAGTATALAGA ang National Capital Region Police Office ng aabot sa 5,000 uniformed personnel sa mga eskuwelahan sa pagbubukas ng klase ngayong Lunes para sa school year 2018-2019.

Sinabi ni NCRPO chief, C/Supt. Guillermo Eleazar, ang police personnel ay daragdagan pa ng mahigit 4,000 force multipliers katulad ng barangay tanods at private security guards.

Nauna rito, sinabi ni Eleazar, ang karagdagang police visibility ay upang pigilan ang mga kriminal na mabiktima ang mga estudyante.

“We will lessen the window of opportunity for them to do their thing,” aniya.

Habang pinaalala­hanan ni Eleazar ang mga estudyante na huwag magdadala ng mamaha­ling gadgets sa eskuwe­lahan upang hindi matuk­so ang mga magnanakaw.

“Tulong-tulong po tayo at male-lessen ang krimen,” dagdag niya.

Samantala, welcome kay Eleazar ang pagtata­laga sa bagong 911 emergency hotline para sa pagsugpo sa krimen at pagtiyak sa kaligtasan ng publiko.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved