Categories: News

3 kalaboso sa rape sa 2 dalagita (2 pa tinutugis)

KALABOSO ang tatlong lalaki sa reklamo ng dalawang dalagita na sila ay halinhinang ginahasa ng limang lalaki sa Sampaloc, Maynila.

Ayon kay MPD Station 4 commander, Supt. Andrew Aguirre, personal na dumulog sa kanyang opisina ang dalawang dalagita na biktima umano ng pang­ha­halay kaya’t nagsa­gawa sila ng agarang follow-up operation na nagresulta sa pagkaka­dakip sa mga suspek na sina Francis Angelo Dizon, Jomari Cortez at Shane Carriedo, habang pinaghahanap ng pulisya sina Francis Adolf Dizon at Adrian Bravo.

ARESTADO sa agarang followup operation ng mga operatiba ng MPD PS4 sa pamumuno ni Supt Andrew Aguirre ang tatlong suspek na sina Franz Dizon, Jomari cortez at Shane Carriedo kapwa nasa hustong edad na residente ng R Papa st Sampaloc Maynila makaraang ireklamo ng isang dalawang dalagita kung saan ang isang 14-anyos ay halinhinang hinalay habang ang isang biktima ay handjob ang pinagawa ng mga suspek. (BRIAN GEM BILASANO)

Sa reklamo ng bikti­mang itinago sa panga­lang Nini, 4:30 am noong 31 Mayo nang i-chat siya ng suspek na si Francis Angelo Dizon, 24 anyos, at niyayang uminom sa kanilang garahe sa R. Papa St.

Pagkaraan, sinundo umano ni Francis Angelo Dizon ang biktima at isa pang biktimang si Sheryll, 15, at nag-inuman sila sa garahe, kasama ang tatlo pang lalaki, hanggang sila ay nalasing at nakatulog.

Sa pagkakataong iyon, inakay umano ni Francis Angelo Dizon si Nini patungo sa comfort room at doon ginahasa.

Makaraan ay binuhat si Nini palabas ng CR at inihiga sa upuan saka halinhinang ginahasa ng apat iba pang mga sus­pek.

Samantala, ang bikti­mang si Sheryll ay hindi umano ginalaw dahil mayroon siyang mens­trua­tion ngunit nag-hand job siya sa mga suspek saka inihilamos sa kan­yang mukha ang sperm ng mga lalaki.

Nilamas-lamas din umano ng mga suspek ang dibdib ni Sheryll habang tuwang-tuwa na pinadadaloy ang sperm sa mukha ng biktima.

Matapos ang panggagahasa ay umalis ang mga suspek habang tinulungan ng 15-anyos kapatid ng mga Dizon ang biktima na maka­labas ng garehe.

Napag-alaman, ang magkapatid na Dizon ay anak ng jailguard at kagawad ng barangay.                   

(BRIAN GEM BILASA­NO)

COMMENTS
Brian Bilasano

Share
Published by
Brian Bilasano

Recent Posts

Wala sa poder namin ang magpatigil dahil lang sa ‘di magandang pagsasalarawan sa mga pulis — MTRCB Chair Arenas

IGINIIT kahapon ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chair Rachel Arenas na wala sa poder nila ang…

20 hours ago

Gina, tiwala kay Coco na makakayanan ang kinakaharap na isyu ng Ang Probinsyano

MAINIT na pinag-uusapan ang aksiyong-seryeng FPJ’s Ang Probinsyano dahil hindi nagustuhan ng Philippine National Police Director General Oscar Albayalde ang…

20 hours ago

Hintayan ng Langit, binili ng Globe Studios

Isa kami sa natuwa nang bilhin ng Globe Studios ang pelikulang Hintayan ng Langit na mapapanood na sa Miyerkoles, Nobyembre…

20 hours ago

Ronnie Liang, matatag pa rin sa loob ng 12 taon (Excited na sa collaboration nila ni Sarah)

HALIMAW kung ilarawan ni Ronnie Liang si Sarah Geronimo. Isa si Ronnie sa madalas kasama ni Sarah sa mga concert…

20 hours ago

Hintayan ng Langit nina Eddie at Gina, mapapanood na nationwide

NAGING usap-usapan at trending sa social media ang kakaibang konsepto ng Hintayan ng Langit na pinagbibidahan nina Eddie Garcia at…

20 hours ago

Fall for Fashion, fashion show for a cause

INAANYAYAHAN ng Young Moda Fashion Collezione ang publiko sa gagawin nilang fashion show for a cause. Ito ay ang Fall…

20 hours ago