Monday , September 24 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Dalagitang may pekeng dokumento naharang sa NAIA (Patungong Saudi Arabia)
Dalagitang may pekeng dokumento naharang sa NAIA (Patungong Saudi Arabia)

Dalagitang may pekeng dokumento naharang sa NAIA (Patungong Saudi Arabia)

NAHARANG ang isang 17-anyos dalagitang nagpapanggap bilang overseas Filipino worker na patungo sa Saudi Arabia makaraan magpakita ng mga pekeng dokumento sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), nitong Huwebes.

Ang menor de edad ay nagpakita ng pekeng passport at mga dokumento na nagsasabing legal siyang magtatrabaho sa Riyadh, ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente.

READ MORE:  Sa ika-100 araw ni Duterte: Endo ‘di pa tapos militante desmayado

Inaresto ang dalagita nang makahalata ang isang immigration officer na mukha siyang bata, sabi ni Marc Red Mariñas, Associate Commissioner ng Bureau of Immigration.

Kinalaunan ay umamin din ang dalagita na wala pa siya sa wastong gulang upang magtrabaho sa ibang bansa, dagdag ni Mariñas.

READ MORE:  Kelot itinumba sa playground

Inilipat ang dalagita sa kustodiya ng Department of Social Welfare and Development at siya ay hihikayating ituro ang mga nasa likod ng pamemeke ng kaniyang mga dokumento, sabi ni Morente.

Hinala ng mga opisyal, may sindikatong nasa likod ng sunod-sunod na kaso ng pamemeke ng mga dokumento ng ilang Filipino na nais magtrabaho sa ibang bansa.

READ MORE:  Rebolusyonaryo ‘di natinag kay Sottong bastos

Noong nakaraang linggo ay pinigilan din ng Bureau of Immigration ang isang 20-anyos Filipina na patungo sana sa Dubai nang madiskobreng peke ang mga dokumentong hawak niya.

Patuloy na hinahanap ng mga awtoridad ang grupong nasa likod ng panloloko.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved