Thursday , November 15 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Pugante arestado sa biyaheng CamNorte
Pugante arestado sa biyaheng CamNorte

Pugante arestado sa biyaheng CamNorte

ARESTADO sa mga tauhan ng Northern Police District (NPD) ang isang preso, may kasong pos­session of illegal drugs, na natakasan ang duty desk officer kamakailan.

Balik-selda ang sus­pek na kinilalang si Leonardo Retiro, Jr., resi­dente sa Dulong Herrera St., Brgy. Ibaba, Malabon City, na nahaharap sa kasong paglabag sa pos­session of illegal drugs o  Section 11 ng R.A. 9165.

READ MORE:  Gunman sugatan sa parak (Trike driver binoga todas)

Ayon kay District Special Operation Unit (DSOU) S/Insp. Robert Bunayog, dakong 3:00 pm, nang kanilang aresto­hin si Retiro habang sakay ng DLTB bus patungong Daet, Camarines Norte sa Turbina bus station, Brgy. Turbina, Calamba City, Laguna.

READ MORE:  Pinay niluray ng Emirati police official

Matatandaan, 19 Mayo, habang si PO3 Er­nesto Estrellas Jr., ang duty desk officer ng DSOU, pinayagan niya si Retiro na makalabas ng selda dakong 9:30 am nang dumaing ng pana­nakit ng tiyan.

Pinayagan ng pulis si Retiro na humiga sa isang upuan sa labas ng kan­yang selda para mabigyan ng kaginhawaan habang hinihintay ang kanyang kasama na magdadala sa kanya sa pinakamalapit na ospital upang mabig­yan ng medikal na atensiyon.

READ MORE:  Smartmatic lumabag sa kontrata — Guanzon

Makalipas ang ilang sandali, humingi si Retiro kay Estrella ng isang basong tubig ngunit pagtalikod ng pulis ay tumakas ang preso.

(ROMMEL SALES)

COMMENTS

About Rommel Sales

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved