Tuesday , September 25 2018
Breaking News
You are here: Home / News / BBL aprub sa Senado
BBL aprub sa Senado

BBL aprub sa Senado

APRUB na ng Senado sa 3rd at final reading ang panuka­lang Bang­sa­moro Basic Law (BBL) na papalit sa kasalukuyang Autono­mous Region for Muslim Mindanao (ARMM).

Ang BBL ang isa sa priority measures na hiniling ni Pangulong Rodrigo Duterte sa lider ng dalawang kapulu­ngan ng Kongreso.

READ MORE:  P3-M shabu nasabat, tulak nalambat

Dahil dito, magpu­pulong ang mga kinata­wan ng dalawang kapu­lungan para magkaroon ng isang bersiyon na kanilang pagtitibayin sa kanilang pagbabalik sa sesyon sa Hulyo.

Makaraan ang masusing amyenda ng mga senador sa panu­kalang batas na ang may-akda ay si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, nagka­sun­do sila sa iisang bersi­yon.

READ MORE:  Bumuhos suporta kay Mar

Maging ang minorya sa Senado ay hindi tu­mu­tol sa panukalang ba­tas ngunit nagkaroon lamang ng ilang am­yenda sa bersiyon ng Senado.

READ MORE:  Digong minolestiya ng pari

Sa naturang pagdi­nig, kinuha ang opinyon at damdamin ng stake­holders upang magka­roon ng bersiyon na mag­bibigay ng protek­siyon sa lahat ng kasama ang Indigenous people.  

(NIÑO ACLAN)

 

 

COMMENTS

About Niño Aclan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved