Wednesday , September 19 2018
Breaking News
You are here: Home / News / SolGen Calida mananatili sa puwesto (Magaling siya — Digong)
SolGen Calida mananatili sa puwesto (Magaling siya — Digong)

SolGen Calida mananatili sa puwesto (Magaling siya — Digong)

WALANG plano si Pa­ngulong Rodrigo Duterte na sibakin si Solicitor General Jose Calida kahit nabisto ang multi-mil­yong pisong kontrata na nakopo ng kanyang se­curi­ty agency sa gob­yerno.

Ipinagtanggol ni Pangulong Duterte si Calida sa isyu ng security agency ng kanyang pa­milya dahil pinaghi­ra­pan aniya ng SolGen hanggang magretiro kung anoman ang mayroon siya ngayon at ang kanyang pamilya kaya bakit bibigyan ito ng malisya.

Sinabi rin ng Pangulo na magaling si Calida kaya bakit niya sisibakin sa puwesto.

Si SolGen Calida ang nagsampa ng quo warranto petition sa Korte Suprema na ikinatanggal ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

(ROSE NOVENARIO)

COMMENTS

About Rose Novenario

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved