Monday , September 24 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Clique V at Belladonas walang talo-talo
Clique V at Belladonas walang talo-talo

Clique V at Belladonas walang talo-talo

NABIBIGYAN ng kulay ang samahan  ng  Belladonnas sa all-male group na Clique V dahil pareho silang hawak  ng 3:16 Events & Talent Management na  ang Presidente ay  si  Len Carillo.

Malapit sila sa isa’t isa pero  bawal na magligawan. Mahigpit na regulasyon na magkakapatid lang ang dapat na turingan.

Masunurin naman ang mga bagets dahil ayaw din nilang masita at maparusahan ng kanilang manager. Hindi rin nila pinangarap na matsugi sa grupo kaya walang talo-talo sa kanila. Career muna ang dapat atupagin.

READ MORE:  Kaibigan ni Sen. Bong, gusting paaminin ang senador ukol sa PDAF

Samantala, ang laki ng improvement ng Clique V nang makita naming mag-perform sa birthday party ng mga anak ng Lord of Scents na si Joel Cruz sa Tagaytay. Class silang mag-perform at hindi putso-putso. Puwedeng-puwede na talagang pakawalan  ang nine members na kinabibilangan nina Sean, Marco,   Rocky, Karl,  Clay,  Timmy Blaize, Kaizer, at Josh.

READ MORE:  Angelica, si Pooh at hindi si Angel ang pinasaringan sa Twitter

Ang Belladonas naman  ay binubuo nina Quinn,  Chloe, Rie, Xie, Jazzy, Stiff, at Phoebe . Kamakailan ay nagbakasyon sila sa Vietnam na nagpasabog sila ng kaseksihan sa yate habang nasa Ha Long Bay.

READ MORE:  Daniel, milyones ang TF sa mga fiesta & out of town show

Havey ang kanilang  music video para sa kantang Enjoy and Ride na isinulat ni Blanktape. May aabangan ding bagong  music video  na kinunan sa  Clark, Pampanga na idinirehe naman ni Buboy Tan.

Nagsu-shooting na rin ngayon  ang Belladonnas at  Clique V ng isang advocacy film na idinirehe rin ni Tan.

(RFC)

COMMENTS

About Roldan Castro

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved