Tuesday , November 13 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Preso sa Antipolo todas sa bugbog
Preso sa Antipolo todas sa bugbog

Preso sa Antipolo todas sa bugbog

PATAY ang isang preso makaraan bugbugin ng mga kapwa preso sa loob ng Antipolo City Jail, nitong Lunes ng gabi.

Hindi umabot nang buhay sa pagamutan ang biktimang si Margine Sanchez.

READ MORE:  Pulis dyuminggel sarili nabaril

Ayon sa Antipolo Police, unang humingi ng tulong sa isang kapwa preso ang biktima dahil nahihirapan siyang hu­minga. Agad siyang dinala sa Rizal Provincial Annex ngunit hindi na umabot nang buhay sa paga­mu­tan.

READ MORE:  P123-M Grand Lotto ‘di pa rin tinamaan

Nang siyasatin ang katawan, napag-alaman na binugbog pala ang biktima ng mga kapwa presong sina Jimmy Apable, Rodelio Alcuriza at Daniel Sallan.

READ MORE:  De Lima, 17 pa kinasuhan ng NBI sa Bilibid drug trade

Patuloy ang imbes­tigasyon mga awtoridad sa insidente.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved