Categories: News

SJDM solon, mayor inasunto ng murder (Sa water tank na nag-collapse)

READ: Water tank sumabog 2 sanggol, 2 pa patay (Sa San Jose del Monte, Bulacan)

READ: Water tank explosion victims umapela ng ayuda

SINAMPAHAN ng mur­der si San Jose Del Monte City Rep. Florida Robes at kanyang mister na si  Mayor Arthur Robes, sa Office of the Ombud­s­man nitong Lunes, hinggil sa naganap na pagsabog ng water tank na iki­namatay ng apat katao noong 2017.

Isinampa ni Councilor Irene del Rosario, na humingi ng tulong sa Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) dahil sa pangamba sa kanyang kaligtasan, ang apat bilang ng murder at 43 bilang ng frustrated murder laban sa mag-asawang Robes.

LUMATAG na parang galvanized iron ang sinabing sumabog na tangke ng San Jose del Monte Water District sa Barangay Muzon, ng lungsod, na ikinamatay ng dalawang sanggol, at dalawang katao pa, at ikinasugat rin ng 44 residente.

Gayondin ay sinam­pahan ng kaso ni Del Rosario sina San Jose Del Monte Water District (SJDMWD) general manager Loreto Lim­colioc, board chairman Enrique Delos Santos, secretary Felipe Poli­carpio Jr., board members Victoria Camua at Jovita Vizmonte-Ma­teo, assistant general man­ager Engr. Victor Canita Jr., private secretary to the city mayor Perfecto Tagalog, at isang nagngangalang Gil Gayosa.

Ayon kay Del Rosario, ang mag-asawa ang nasa likod ng pagguho ng water tank sa Brgy. Muzon noong 6 Oktubre.

Aniya, ang insidente ay resulta nang sabwatan ng mag-asawang Robes sa iba pang respondent para sa itinutulak na pagsasa­pribado ng SJDMWD.

“They deliberately caused the explosion of this water tank without regard to the big risk that it would likely cause deaths to the residents around the said tank,” pahayag ni Del Rosario sa kanyang complaint affidavit.

Inihayag niya sa mga mamamahayag na nag-attach siya ng “circum­s­tantial evidence” na nagsasangkot sa mag-asawang Robes sa insi­dente upang maisaka­tuparan ang takeover ng Primewater, ang kom­panyang pag-aari ng pamilya ni Senadora Cynthia Villar, sa water district.

Sinabi ni Del Rosario na siya ay may sworn statements ng dalawang testigo, nagsasabing sila ay binayaran ni Tagalog, na umano’y ‘political operator’ ng mga Robes, upang tukuyin ang una bilang pangunahing sus­pek sa kaso.

“Mayroon akong da­la­wang surrendered wit­nesses who testified na binayaran sila ni Tagalog para sabihin na isa ako sa mastermind sa pagpa­pasabog ng tangke sa Barangay Muzon. Maybe because I am very vocal with my opposition sa joint venture with Prime­water,” ayon kay Del Rosario.

Idinagdag niyang ang mga testigo ay nanatili sa farm na pag-aari ng mag-asawang Robes.

“Kung walang foul play sa pagsabog ng tangke, bakit kailangan mag-hire si Tagalog? And base sa pahayag ng mga witnesses, sila ay tumira sa farm na pag-aari ng mag-asawang Robes. Doon sila itinago,” ayon kay Del Rosario.

Nang tangkang kuha­an ng komento, sinabi ng tanggapan ni Rep. Robes na babasahin muna ng mambabatatas ang rek­lamo bago magpapalabas ng pahayag.

READ: Lady executive off’l ni Mayor Robes pinaslang (Sa City of San Jose del Monte)

COMMENTS
hataw tabloid

Share
Published by
hataw tabloid

Recent Posts

Polo Ravales, thankful sa bagong project sa BG Productions International

BALIK-BG Productions International si Polo Ravales. Isa siya sa tampok sa pelikulang may working title na Hipnotismo. Uumpisahan na ngayong…

1 day ago

Coco, sobra-sobra ang respeto sa pulisya; dialogo kay Albayalde, hiniling

HUMINGI ng paumanhin kamakailan si Coco Martin kay Philippine National Police Director General Oscar Albayalde gayundin sa buong pulisya kung hindi naging maganda ang dating…

1 day ago

Calvin at lola nito, gagawing endorser ni Vice ng kanyang Vice Cosmetics

ANIMO’y may rally o kampanya kahapon ng hapon sa Market Market dahil sa rami ng taong nag-abang sa pagdating ni Vice…

1 day ago

Kris Aquino, kakasuhan ang abogadong kapatid ni Nicko Falcis

NAGLABAS ng statement si Kris Aquino sa pamamagitan ng kanyang mga abogado sa Divina Law bilang tugon sa mga ipinahayag ni Atty. Jesus Falcis sa media…

1 day ago

Ilong ng motorista ‘umuusok’ sa konsumisyon vs Pasay City ASBU

ANO ba talaga ang papel ng Anti-Smoke Belching Unit (ASBU) ng Pasay City?! Sitahin ang mga lumalabag sa kanilang ordinansa…

1 day ago

Comelec: Walang masama sa pagtakbo ni Alan at Lani sa Taguig

ANG Commission on Elections na mismo ang nagsabi na walang illegal o masama sa pagtakbo ni dating Foreign Affairs Secretary…

1 day ago