Categories: News

Piskal lagot sa DOJ (Sa leak ng ‘lover’ ni Okada)

IIMBESTIGAHAN ng Department of Justice ang city prosecutor ng Para­ñaque na humahawak sa kasong estafa laban sa Japanese gaming tycoon na si Kazuo Okada dahil sa pagli-leak ng mga resolusyon ng kanyang ‘kabit’ na Koreana.

“I will look into this matter as soon as pos­sible. Premature dis­closure of orders and resolutions prior to official release is not allowed unless there are compel­ling reasons that would sufficiently justify the same,” ani Justice Secre­tary Menardo Guevarra kahapon.

Sinasagot ni Guevarra ang mga ulat na posi­bleng maharap si City Prosecutor Amerhassan Paudac sa kasong admi­nistratibo at kriminal dahil sa ‘bias and gross partiality’ dahil sa pag­lalabas ng mga resolusyon kahit hindi opisyal na inire-release ng  kanyang tanggapan at ito ay nai-post noong May 18 sa Instagram at Facebook account ni Chloe Kim na kilala bilang ‘syota’ ni Okada.

Hiniling ng Tiger Resorts Leisure Entertain­ment Inc., kay Paudac na bumitaw sa kasong estafa na hinahawakan ng kan­yang tanggapan matapos mapag-alaman noong May 21 na walang reso­lusyon na nagbabasura sa nasabing kaso ang naka­handang ma-release.

“As city prosecutor, (he) is expected to mani­fest such degree of im­part­iality, which should not be tainted by scintilla of doubt,” ayon sa TRLEI.

Sa kanyang mga social media account, inilabas ni Kim ang mga retrato ng dispositive at signature na bahagi ng mga naturang resolusyon na nagbabasura sa dala­wang kasong estafa laban kay Okada at iba pang opisyal ng TRLEI na may mga katagang, “Devils will go the hell soon! 2 estafa cases against Ka­zuo Okada of Okada Manila dismissed. Justice prevails.”

Sinabi ng TRLEI na isang malaking iregulari­dad kung paano nagawa ni Kim na hindi naman partido sa kaso na mag­karoon ng kopya ng mga resolusyon kahit pa noong May 18.

Bilang approving au­thority, si Paudac ang huling tagapirma sa resolusyon, ayon sa TRLEI.

”Thus, logic dictates that the resolutions disposing the captioned cases could not have been leaked to respondent Kazuo and/or his close companion without the participation and/or fault of City Prosecutor Paudac,” pahayag ng TRLEI.

Ang TRLEI ang com­plainant sa kasong estafa na nakabinbin ngayon sa Parañaque Prosecutor’s Office na inakusahan si Okada ng pagwawaldas ng mahigit US$10 mil­yong pondo ng naturang kompanya sa pagitan ng early 2016 at June 2017.

TRLEI din ang may-ari at operator ng ma­rang­yang Okada Manila sa Entertainment City, Parañaque na si Okada ang dating chief executive officer bago siya pina­talsik ng karamihan sa shareholders ng nasabing kompanya.

Inakusahan ng TRLEI si Okada ng illegal dis­bursement ng company funds na umaabot sa mahigit US$3 milyon para umano sa kanyang consultancy fees at salaries sa kanyang isang buwang tenure bilang CEO.

Naharap si Okada sa mga kasong kriminal dahil sa paglabag sa Anti-Dummy Law sa DOJ na isinampa ng National Bureau of Investigation (NBI) noong panahon ng nakalipas na adminis­trasyon. Ngunit hindi naresolba ang kaso at napabalitang ibinalik ito sa NBI para muling ma­imbestigahan.

Bukod sa mga kaso na nakasampa sa Filipinas, si Okada ay nahaharap din sa ilang kaso sa South Korea, Hong Kong at Tokyo, Japan. (HNT)

COMMENTS
hataw tabloid

Share
Published by
hataw tabloid

Recent Posts

Gary at Sheryl, suwertehin kaya sa politika?

MARAMING artista na naman ang tatakbo sa iba’t ibang posisyon sa darating na national and local election sa susunod na…

1 hour ago

Pokwang, desperada

TAMA lang pala na Marietta Subong ang billing ni Pokwang sa Oda sa Wala, isang entry sa katatapos lang na QCinema. Ang scriptwriter-director ng…

1 hour ago

Alessandra, nagpakalbo; Through Night and Day, ikinompara sa Kita Kita

MARAMI ang nagulat sa ginanap na premiere night ng pelikulang Through Night & Day nang tumambad sa lahat ang kalbong…

1 hour ago

Daniel, KZ, at Jameson, target ni Jermae Yape

SI Daniel Padilla ang gustong maka-collaborate sa isang kanta ng model/singer/actress na si Jermae Yape na naglunsad ng kanyang first…

7 hours ago

Sex, kaswal lang pag-usapan nina JM at Rhian

ALIW at shock kami sa mga linya nina JM De Guzman at Rhian Ramos sa pelikulang Kung Paano Siya Nawala…

7 hours ago

Coco, 3 beses nang tinapatan (pero ‘di matalo-talo) ni Dingdong

SA showbiz events na dinaluhan namin nitong nakaraang araw ay pinag-uusapan ng mga katoto ang pagtatapos ng Victor Magtanggol at…

7 hours ago