Sunday , November 18 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Piskal lagot sa DOJ (Sa leak ng ‘lover’ ni Okada)
Piskal lagot sa DOJ (Sa leak ng ‘lover’ ni Okada)

Piskal lagot sa DOJ (Sa leak ng ‘lover’ ni Okada)

IIMBESTIGAHAN ng Department of Justice ang city prosecutor ng Para­ñaque na humahawak sa kasong estafa laban sa Japanese gaming tycoon na si Kazuo Okada dahil sa pagli-leak ng mga resolusyon ng kanyang ‘kabit’ na Koreana.

“I will look into this matter as soon as pos­sible. Premature dis­closure of orders and resolutions prior to official release is not allowed unless there are compel­ling reasons that would sufficiently justify the same,” ani Justice Secre­tary Menardo Guevarra kahapon.

Sinasagot ni Guevarra ang mga ulat na posi­bleng maharap si City Prosecutor Amerhassan Paudac sa kasong admi­nistratibo at kriminal dahil sa ‘bias and gross partiality’ dahil sa pag­lalabas ng mga resolusyon kahit hindi opisyal na inire-release ng  kanyang tanggapan at ito ay nai-post noong May 18 sa Instagram at Facebook account ni Chloe Kim na kilala bilang ‘syota’ ni Okada.

READ MORE:  Binatilyo sugatan sa saksak ng tanod

Hiniling ng Tiger Resorts Leisure Entertain­ment Inc., kay Paudac na bumitaw sa kasong estafa na hinahawakan ng kan­yang tanggapan matapos mapag-alaman noong May 21 na walang reso­lusyon na nagbabasura sa nasabing kaso ang naka­handang ma-release.

“As city prosecutor, (he) is expected to mani­fest such degree of im­part­iality, which should not be tainted by scintilla of doubt,” ayon sa TRLEI.

Sa kanyang mga social media account, inilabas ni Kim ang mga retrato ng dispositive at signature na bahagi ng mga naturang resolusyon na nagbabasura sa dala­wang kasong estafa laban kay Okada at iba pang opisyal ng TRLEI na may mga katagang, “Devils will go the hell soon! 2 estafa cases against Ka­zuo Okada of Okada Manila dismissed. Justice prevails.”

READ MORE:  10 sugatan sa salpukan ng 2 tricycle sa CamNorte

Sinabi ng TRLEI na isang malaking iregulari­dad kung paano nagawa ni Kim na hindi naman partido sa kaso na mag­karoon ng kopya ng mga resolusyon kahit pa noong May 18.

Bilang approving au­thority, si Paudac ang huling tagapirma sa resolusyon, ayon sa TRLEI.

”Thus, logic dictates that the resolutions disposing the captioned cases could not have been leaked to respondent Kazuo and/or his close companion without the participation and/or fault of City Prosecutor Paudac,” pahayag ng TRLEI.

Ang TRLEI ang com­plainant sa kasong estafa na nakabinbin ngayon sa Parañaque Prosecutor’s Office na inakusahan si Okada ng pagwawaldas ng mahigit US$10 mil­yong pondo ng naturang kompanya sa pagitan ng early 2016 at June 2017.

TRLEI din ang may-ari at operator ng ma­rang­yang Okada Manila sa Entertainment City, Parañaque na si Okada ang dating chief executive officer bago siya pina­talsik ng karamihan sa shareholders ng nasabing kompanya.

READ MORE:  Kustodiya kay Pemberton igigiit ng Palasyo

Inakusahan ng TRLEI si Okada ng illegal dis­bursement ng company funds na umaabot sa mahigit US$3 milyon para umano sa kanyang consultancy fees at salaries sa kanyang isang buwang tenure bilang CEO.

Naharap si Okada sa mga kasong kriminal dahil sa paglabag sa Anti-Dummy Law sa DOJ na isinampa ng National Bureau of Investigation (NBI) noong panahon ng nakalipas na adminis­trasyon. Ngunit hindi naresolba ang kaso at napabalitang ibinalik ito sa NBI para muling ma­imbestigahan.

Bukod sa mga kaso na nakasampa sa Filipinas, si Okada ay nahaharap din sa ilang kaso sa South Korea, Hong Kong at Tokyo, Japan. (HNT)

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved