Categories: News

P1.1-B Dengvaxia victims funds ‘di mapupunta sa korupsiyon

TINIYAK ni Senate Committee on Finance chair, Senadora Loren Legarda na hindi mapupunta sa korupsiyon ang P1.1 bilyon supplemental budget para sa mga biktima ng Dengvaxia.

Ayon kay Legarda, base sa Senate version, nais niyang magamit ang pondo sa tamang panahon o hanggang sa 2019 bago matapos ang kanyang termino bilang senador.

Hindi maka­papayag si Legar­da na ang pondo para sa Dengvaxia ay ipo-pondo para sa medical assis­tance ng mga mam­babatas para magamit sa nala­lapit na halalan.

Hindi rin maka­pa­payag si Legar­da na magiging mabagal ang proseso sa paggamit ng pondo para sa mga biktima dahil alam ng DOH ang pangalan ng mga biktima na nasa listahan ng nasaksakan ng Dengvaxia. Tiniyak ni Legarda, 101% na maaaprobahan ang P1.1 bilyon supplemental budget para sa Dengvaxia victims bago matapos ang sesyon ngayong linggo. (CYNTHIA MARTIN)

COMMENTS
Cynthia Martin

Share
Published by
Cynthia Martin

Recent Posts

Jodi, muling nag-top sa klase

SA mga tinatamad nang mag-aral dahil malaki na ang kita nila at may anak na, tularan n’yo si Jodi Sta. Maria. …

4 hours ago

Controversial businesswoman Kath Dupaya handang humarap sa korte (Kapag ‘di totoong tax evader si Joel Cruz)

Bumalik sa bansa kamakailan ang controversial na businesswoman na si Kath Dupaya at ilang araw lang  siyang nag-stay at agad…

4 hours ago

RS Francisco super husay na stage actor

Marami na kaming napanood na stage play pero masasabi naming isa sa pinakamaganda at most expensive local play itong pinagbibidahang…

5 hours ago

Libre ang magpa-book at manood sa Eat Bulaga nang Live

NABUKO ni Willie Revillame ang modus ng mga booker sa kanyang variety game show na niraraket ang mga kaawa-awa nating…

5 hours ago

Sylvia at Carlo, nanguna sa opening ng BeauteDerm 41st branch sa Ali Mall

SOBRANG naging successful ang ginanap na opening ng 41st physical store ng Beautefy by Beautederm sa Ali Mall. Dinumog ng mga…

5 hours ago

Sen. Angara, isinusulong ang bill para sa tax incentives sa film at TV tourism

ISINUSULONG ni Sen. Sonny Angara ang bill para sa tax incentives sa film at TV tourism. Base sa bill na…

5 hours ago