Thursday , November 15 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Empoy, matatawag nang unkaboggable
Empoy, matatawag nang unkaboggable

Empoy, matatawag nang unkaboggable

KUNG ligwak si Aga Muhlach sa talaan ng mga nominado para sa Best Actor category sa Famas at sa halip ay ang co-star niyang si Dingdong Dantes sa Seven Sundays ang pasok ay sa ibang direksiyon ang ihip ng hangin sa listahang inilabas naman ng Gawad Urian.

Kataka-takang kapwa sina Aga at DD ay ligwak sa Best Actor nominees’ list, at ang kumabog lang naman sa kanila ay si Empoy.

READ MORE:   Direk Reyno Oposa hindi susukuan ang pagdidirek at pagpo-produce kahit nasulot sa malaking proyekto

Nominado si Empoy para sa pelikulang Kita Kita along side his leading lady na si Alessandra da Rossi sa pagka-Best Actress category naman.

Awards season ngayon. Bukod sa Famas at Urian ay handa na rin ang The Eddys na binubuo ng mga patnugot ng entertainment section ng mga tabloid at broadsheet sa bansa.

Bawat isa sa mga award-giving body na ito (isama na rin ang mga parangal na ipinagkakaloob ng iba’t ibang unibersidad) ay may kanya-kanyang pamantayan sa kanilang pagpili. Minsang may pagkakatulad, mayroon ding pagkakaiba.

READ MORE:  Magdyeta para maging matagumpay ang career!

Matagal nang imahe ng Urian ang pagkakaroon ng “paiba effect” as regards kung sino ang kanilang nasa listahan. Unpre­dictable, kundi man malaking sorpresa ang mga inino-nominate nila taon-taon.

Back to Empoy, talaga naman kasing uma­gaw siya ng atensiyon sa Kita Kita. Isang rebelasyon nga ang makitang nakaaarte pala si Empoy na mas higit kilala bilang komedyante.

READ MORE:  Dingdong,ilalagay sa foundation ang malilikom na regalo

Ayaw naming pangunahan ang resulta ng Urian na sa June 14 pa idaraos ang awards night. Pero let’s face it, “unkaboggable” na matatawag si Empoy considering na mga berdaderong mahuhusay na aktor sa bansa ang kinabog niya.

Ng bonggang-bongga, ha?

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

COMMENTS

About Ronnie Carrasco III

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved