Wednesday , November 21 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Buenavista, Bohol mayor patay sa ambush (Niratrat sa sabungan)

Buenavista, Bohol mayor patay sa ambush (Niratrat sa sabungan)

PATAY ang alkalde ng bayan ng Buenavista sa lalawigan ng Bohol makaraan pagbabarilin ng hindi kilalang lalaki, nitong Linggo ng hapon.

Ayon kay C/Insp. Rolly Lauron ng Buena­vista Police, si Mayor Ronald Tirol ay binaril sa loob ng cockpit arena sa bayan ng Clarin dakong 3:00 ng hapon.

READ MORE:  Mison tameme sa ‘Greencard’ holder issue

Sinabi ni Lauron, ang mga bodyguard ay hindi kasama ng biktima nang pagbabarilin ng dalawang lalaki ang local chief executive.

READ MORE:  P10 flag down rollback iaapela ng taxi drivers

Ang mga suspek na hindi nakuha ang pagka­kakilanlan, ay mabilis na tumakas lulan ng motor­siklo.

Ayon kay Lauron, nakaligtas ang alkalde sa pagtatangka sa kanyang buhay dalawang taon na ang nakararaan sa nasabi rin cockpit arena.

READ MORE:  Kelot utas sa love triangle

Aniya, tinitingnan ng pulisya na posibleng poli­tika ang dahilan ng pag­paslang sa alkalde.

 

 

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved