Categories: News

Abogado ni Bongbong supalpal sa SC

Share

KINASTIGO ng Presi­dential Electoral Tribu­nal (PET) ang isang abogado ng talunang kandidato na si Ferdi­nand Marcos Jr. dahil sa kwestyonableng galaw sa ginagawang manual recount ng boto para sa bise presidente.

Pinagsabihan ng PET si Atty. Joan Padilla, isa sa counsels of record at ang party supervisor ni Marcos sa kanyang election protest laban kay Vice President Leni Robredo, dahil sa maling kilos nito sa ginagawang manual recount.

Pinagbawalan ng PET si Padilla na makia­lam sa sinoman sa mga PET Head Revisors at sa kabuuan ng proseso ng revision. Nagsimula ang revision noong ika-2 ng Abril 2018 at unang binuksan ang ballot boxes ng Camarines Sur.

Inutusan kasi ni Padilla ang PET Head Revisors na sundin ang 50-percent threshold percentage sa manual recount.

Inutusan pa niya ang PET Head Revisors na ilagay sa bawat sulok at sa bawat mesa sa revision area ang naunang resolu­syon ng PET ukol sa thre­shold.

Narinig din si Padilla na minamandohan ang PET Head Revisors na huwag nang ikompara ang botong nakuha ni Robredo sa election returns. Ang election returns ang naging basehan ng National Board of Canvassers sa pagpro­klama kay Duterte at Robredo nung 2016.

Nangamba ang ilan sa mga nakakita ng paggalaw ni Padilla na baka senyales ito ng isang planong panggug­u­lo sa dapat sana ay maayos na proseso ng recount.

Matatandaang simu­la pa lang ng recount sa Camarines Sur ay ano-anong balita ang inilalabas ng kampo ni Marcos, mula wet ballots hanggang audit records na hindi raw iniwan sa ballot boxes.

Ngunit napatuna­yan naman na walang pandarayang nakakabit sa wet ballots. Maging ang audit records ay hindi dapat iniiwan sa ballot boxes base sa alituntunin mismo ng Comelec.

COMMENTS
hataw tabloid

Published by
hataw tabloid

Recent Posts

Relasyong PH-China tunay kayang makikinabang ang sambayanang Pinoy? (Para sa kapayapaan at pag-unlad)

AYON kay Chinese President Xi Jinping, sa ilang panahon at anim na beses na pagkikita nila ni Pangulong Rodrigo Duterte… Read More

8 hours ago

Dalawang MPD officials todo-kampanya na para kay Isko Moreno

MAUGONG ang kuwentohan at saysayan sa Manila Police District  (MPD) HQ tungkol sa dalawang opisyal nila na nakikitang madalas na… Read More

8 hours ago

Relasyong PH-China tunay kayang makikinabang ang sambayanang Pinoy? (Para sa kapayapaan at pag-unlad)

AYON kay Chinese President Xi Jinping, sa ilang panahon at anim na beses na pagkikita nila ni Pangulong Rodrigo Duterte… Read More

8 hours ago

Empleyado ng PECO nagsumbong kay Digong (Hindi lang consumers)

AMINADO ang mga kawani ng Panay Electric Company (PECO) na kai­langan ng new management ng mga residente sa Iloilo City… Read More

8 hours ago

Happiest birthday Boss Robz!

Our dearest Boss Robz, May you keep that inner child within you. We are excited to see greater things unfold… Read More

1 day ago

Female star-TV host, nahihilig sa bagets

MAYROON din palang isang male star na naging bahagi ng isang youth oriented program na sikat noong araw na na-pick… Read More

1 day ago