Wednesday , September 26 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 8 bahay natupok sa Taguig
8 bahay natupok sa Taguig

8 bahay natupok sa Taguig

UMABOT sa walong bahay ang natupok sa sunog sa Brgy. Ibayo Tipas sa Taguig City, 11:00 pm nitong Sabado.

Ayon sa ulat, bunsod ng laki ng sunog, pati mga bombero sa mga kalapit na lungsod ay kinailangan tumulong sa pag-apula ng apoy.

READ MORE:  Puwersa ng PDP-Laban, lalong pinalakas sa NCR

Dakong 2:00 ng madaling-araw nang tuluyang naapula ng mga bombero ang sunog.

READ MORE:  2 bahay ng ex-lover ni De Lima ‘binaliktad’

Ayon sa mga residente, nakarinig sila ng gulo mula sa isa sa mga bahay sa kanilang lugar bago magkasunog.

Mabilis kumalat ang apoy dahil dikit-dikit ang mga bahay na gawa sa mga materyal na madaling masu­nog.

READ MORE:  MPD anti-illegal drug unit binuwag (Opisyal, 8 pa sinibak)

Nahirapan ang mga bombero na makapasok sa lugar dahil makitid ang mga daan.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved