Thursday , December 13 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Liza Javier pasadong artista, short film na “Takipsilim” ni Direk Reyno Oposa isasali sa tatlong Int’l Film Festival (Pinay pride sa Osaka, Japan at Amerika)
Liza Javier pasadong artista, short film na “Takipsilim” ni Direk Reyno Oposa isasali sa tatlong Int’l Film Festival (Pinay pride sa Osaka, Japan at Amerika)

Liza Javier pasadong artista, short film na “Takipsilim” ni Direk Reyno Oposa isasali sa tatlong Int’l Film Festival (Pinay pride sa Osaka, Japan at Amerika)

PURING-PURI ni former entertainment columnist-editor na si kapatid na Ogie Cruz na ngayo’y California based na at teacher doon ang kaibigang pretty deejay-musician na si Liza Javier na naka-based naman sa Osaka, Japan at madalas din nasa Amerika.

Say ni Ogie, asensado na at sikat talaga sa mga kababayan natin si Ms. Liza at ‘yung fans daw niya ay mula sa OFWs, mga professional at mga sosyal. Well, naniniwala kami sa kuwento ng aming colleague kasi bukod sa maganda niyang boses na naririnig sa kanyang top-rating internet shows na “Kalye Solution” sa The Crazy Horse at “Beauty Live” na maririnig sa buong Japan at iba pang panig ng Asya ay classy ang dating ni Liza at pretty kaya’t pasado rin ang popular na TV and Radio personality para mag-artista.

READ MORE:  Marion Aunor, aktibo bilang singer/composer (Ginawan ng kanta si Kathryn Bernardo)

Well, kapag nagka-chikahan kami o chat sa FB ay itatanong namin kay Liza kung willing rin ba siyang pasukin ang showbiz. Basta sa ngayon ay excited siya na tanggapin ang kanyang bagong award sa 17th Annual Gawad Amerika na gagawaran siyang “Mrs Gawad Amerika” at gaganapin ito sa August 8, 2018 sa The Center Burbank Blvd, Hollywood. Personal uling tatanggapin ni Liza ang parangal at makakasama niya sa awardees ang first Pinay actress na naging Best Actress sa Cannes Film Festival na si Ms. Jaclyn Jose.

READ MORE:  Kris, tumulong pa rin sa mga may breast cancer patient kahit may pinagdaraanan
READ MORE:  Sumungaw!

Iginawad na rin sa nasabing lady deejay singer ang Lifetime Achievement Radio Personality award na Filipinos Pride in Japan and USA sa field of Media. Bilang singer bukod sa kanyang ina-upload na videos sa kanyang social media accounts na inire-record na cover songs ay may gigs rin si Ms. Javier sa mga sikat na Music bar sa Japan.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

COMMENTS

About Peter Ledesma

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved