Thursday , June 21 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Birdshot at Deadma Walking may libreng film showing sa FDCP Basic Workshops on Filmmaking!
Birdshot at Deadma Walking may libreng film showing sa FDCP Basic Workshops on Filmmaking!

Birdshot at Deadma Walking may libreng film showing sa FDCP Basic Workshops on Filmmaking!

BILANG bahagi ng inaa­bangang 2nd EDDYS (Entertain­ment Editors’ Choice) ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd), magkakaroon ng special screening para sa dalawang nominadong Best Film sa two-day workshop ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).

Mapapanood ang Birdshot ng TBA Production sa May 26, 6 pm at Deadma Walking ng T-Rex Entertainment sa May 27, 6 pm, sa Cinematheque Center Manila ng FDCP. Ang libreng film show­ing ay bahagi ng #playitright anti-piracy campaign ng Globe. Ipalalabas ang dala­wang nomi­nadong pelikula pag­katapos ng nakatakdang seminar-workshop ng FDCP para sa mga film enthusiast. Inaasahang dadalo ang director ng dalawang na­banggit na pelikula na sina Mikhail Red ng Birdshot at Julius Alfonso ng Deadma Walking.

Sa May 26 (9 am-12 noon), tatalakayin ang aspekto ng Scriptwriting kasama si Fatrick Tabada; at Sound Design (2 pm-5 pm) kasama si Immanuel Verona. Sa May 27 (9 am-12 noon), magkakaroon ng work­shop sa Acting kasama si Anthony Falcon; at Cinema­tography (2 pm – 5 pm), sa pamamahala ni Rain Yamson II.

Samantala, bago ang The EDDYS, nakatakdang idaos ang Nominees Night sa June 3, 5 pm, sa 38 Valencia Events Place, Quezon City. Makakatuwang pa rin dito ng SPEEd ang FDCP, na ibibi­gay ng mga opisyal ng SPEEd at ni Chairman and CEO Liza Diño ang certificates of nomination sa lahat ng mga nominado.

Ang awards night para sa 2nd EDDYS ay magaganap sa darating na Hulyo, sa pakiki­pagtulungan nina Chairperson Liza at Globe Senior Vice-President Yoly Crisanto. Pagka­tapos ng awards night, mag­kakaroon ng bonggang after-party na tatawaging The EDDYS Mega Party, sa pangunguna ng OneMega Group.

Sa direksyon ni Paolo Valen­ciano, inaasahang mas magiging malaki at mas exciting ang ikalawang pagbibigay parangal ng SPEEd sa mga nata­tangi at de-kalidad na pelikula noong 2017. Ang Globe Studios ang major presenter habang ang fastest-growing FM station na Wish 107.5 naman ang hahawak sa production ng 2nd EDDYS.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

COMMENTS

About Nonie Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved