Thursday , June 21 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Babala ni Digong: Peace talks ‘pag bigo ulit Joma papatayin
Babala ni Digong: Peace talks ‘pag bigo ulit Joma papatayin

Babala ni Digong: Peace talks ‘pag bigo ulit Joma papatayin

MAKE or break  para kay Communist Party of the Philippines founding chairman Jose Maria Sison ang dala­wang buwang ‘window’ na ibinigay ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa isinusulong na peace talks.

Bagamat ginaga­rantiyahan ng Pangulo na ligtas na makar­arating sa bansa si Sison mula sa The Nether­lands, kung nakakuha siya ng asy­lum, hindi naman  niya nanaisin na bumalik pa sa bansa ang huli ka­pag nabigo ang peace talks.

Ayon sa Pangulo, kapag wala pa rin nang­yari, personal niyang ihahatid si Sison sa airport para umalis ng Filipinas.

Pero pakikiusapan umano niya si Sison na huwag nang bumalik sa bansa dahil kapag umuwi pa ng Filipinas, kanya itong papatayin.

Marapat lamang aniya na patayin na si Sison dahil sa dami ng mga sundalo at pulis na pinapatay niya sa rebel­deng grupo.

ni ROSE NOVENARIO

COMMENTS

About Rose Novenario

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved