Friday , August 17 2018
Breaking News
You are here: Home / Sports / Warriors luhod sa Rockets (Tabla ang serye sa 2-2)
Warriors luhod sa Rockets (Tabla ang serye sa 2-2)

Warriors luhod sa Rockets (Tabla ang serye sa 2-2)

UMISKOR si James Harden ng 30 points sapat upang itaguyod sa panalo ang Houston Rockets laban sa defending champion Golden State Warriors, 95-92 kahapon sa Game 4 ng Western Conference finals ng 2017-18 National Basketball Association (NBA).

Bumakas si Chris Paul ng 27 markers para sa Rockets na naitabla ang  serye sa 2-2 sa kanilang best-of-seven na bana­tan.

READ MORE:  Be Humble masuwerteng naitawid

Lamang ang Houston sa halftime subalit huma­rurot ang Warriors sa third period upang maagaw ang bentahe at makalamang ng 10 puntos.

Hindi naman nasiraan ng loob ang Rockets, unti-unti nilang ginapang ang abante ng GSW upang makuha ang importanteng panalo.

Tumikada si Stephen Curry ng 28 puntos ha­bang bumakas si Kevin Durant 27 puntos  at 12 rebounds para sa Warriors na nagmintis sa kanilang anim na huling tira.

READ MORE:  Pagpasok ng SMB sa Semis di pa tiyak

Dahil sa panalo, kinal­suhan ng Houston ang NBA-record postseason winning streak sa home ng Golden State sa 16 games.

Hinablot ni Paul ang mintis ni Warriors forward Klay Thompson bago tumunog ang final buzzer.

READ MORE:  SBP magbi-bid para sa Olympic Qualifying Tournament

May tsansa sanang makahirit ng overtime game subalit sablay ang tirada ni Curry.

Tumipa si Eric Gordon ng 14 markers habang may siyam at walong puntos sina Trevor Ariza at Clint Capela para sa Rockets ayon sa pagkakasunod.

Ilalarga ang Game 5 sa Houston.

(ARABELA PRINCESS DAWA)

COMMENTS

About Arabela Princess Dawa

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved