Sunday , November 18 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Riding-in-trio sumemplang kritikal (Pulis tinakasan)
Riding-in-trio sumemplang kritikal (Pulis tinakasan)

Riding-in-trio sumemplang kritikal (Pulis tinakasan)

KRITIKAL ang kalagayan ng tatlo katao, kabilang ang 17-anyos estudyante, ma­ka­ra­an sumemplang ang kanilang sinasakyang mo­torsiklo nang takbohan ang mga pulis sa Malabon City, kamakalawa ng madaling-araw.

Ginagamot sa MCU Hospital si Jassen Delemon, 20, service crew, habang kapwa inoobsebahan sa Jose Reyes Memorial Medi­cal Center ang kanyang back rider na sina Niko Sese, 19, at Raymond Ca­buenos, 17, estudyante, pawang mga residente sa Camia St., Brgy. Maysilo.

READ MORE:  P4-M shabu nasabat sa Kyusi

Sa imbestigasyon ni SPO3 Francisco Verzosa, dakong  3:45 am nagsasa­gawa ng Oplan Sita ang mga pulis sa kahabaan ng Gov. Pascual Ave., sa harap ng Petron Gasoline Station, Brgy. Catmon, nang mapan­sin nila ang tatlong sakay ng isang motorsiklo na pawang walang suot na helmet kaya pinara ng mga awtoridad.

READ MORE:  Drastic reform ipatutupad sa BuCor
READ MORE:  Sindikato sa judiciary binalaan ni Digong

Ngunit imbes huminto, humarurot ang motorsiklo kaya hinabol sila ng mga pulis at pagsapit sa kanto ng Sanciangco at Bustamante steets, Brgy. Tinajeros ay nawalan ng kontrol si Delemon sa motorsiklo naging dahilan upang sila ay sumemplang.

(ROMMEL SALES)

COMMENTS

About Rommel Sales

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved