Categories: News

Quarrying sa Montalban iprinotesta

NANAWAGAN ang ilang mga grupo sa pangunguna ng Ba­ngon Kalikasan Montalban at Bantay Kalikasan kasama ang ilang mga pari, pastor at iba pang grupo ng simbahan, kabilang ang homeowners’ associations at transport groups laban sa patuloy na pagkakalbo ng Mount Parawagan.

Apektado ang mga ba­rangay ng Burgos, Manggahan, Balite, San Rafael, San Jose at pinakamalawak sa San Isidro na kontrolado umano ng pamilyang Hernandez.

Nagdaos ng kilos protesta kaninang umaga ang iba’t ibang grupo sa Montalban Town Plaza, sa lalawigan ng Rizal, upang kondenahin ang ilegal na pagmi­mina at quarrying sa nasabing bayan na nakalulusot sa pani­niwalang may proteksyon ni Montalban Mayor Ilyong Hernan­dez at anak na si Vice Mayor Tomtom Hernandez.

Bukod sa mga Hernandez, kanila ding kinondena ang Millex Inc., at Majestic na pag-aari umano ni former Environment secretary Mike Defensor.

“Nakatatakot talaga dahil tanaw lang sa bahay namin ang bundok na ginagawa ang quarrying, kawawa ho kaming mga residente dahil kami ang mapapahamak sakaling mag­karoon ng mga sakuna. Halos walong taon na po nasa panga­nib kaming mga residente ng Montalban kaya panahon na para ipaalam sa kinauukulan,” ani Manny Torres, spokesperson ng nasabing grupo.

Tinutukoy ni Torres ang quarrying na nagaganap sa Mt. Parawagan katabi ang Gloria Vista subdivision at marami pang ibang mga pamayanan sa iba’t ibang barangay na naunang nabanggit.

“Nananawagan ho kami kay Presidente Duterte, DENR Secretary Roy Cimatu at maging kay Governor Ynares na tingnan naman po ang sitwasyon namin dito at ‘wag na tayong maghintay pa ng sakuna bago umaksiyon. Maawa naman po kayo! Buhay at kinabukasan po namin ang nakasalalay dito. Tigilan na ang illegal mining at quarrying dito sa Montalban.”

Ganito rin ang panawagang inihayag nina Fr. Noe Elnar at Atty. Rodolfo Melizza ng Gloria Vista Homeowners’ Association.

(NIÑO ACLAN)

COMMENTS
Niño Aclan

Share
Published by
Niño Aclan

Recent Posts

Pateros VM mahilig mambugbog ng asawa?

DAPAT magising ang mga residente sa Pateros sa asal ng kanilang bise alkalde na si Gerald German. Totoong bata pa…

5 hours ago

Karera sa Senado sumisikip na

MALAYO pa ang eleksiyon pero ngayon pa lamang ay halos buo na ang kaisipan ng mga Pinoy kung sino ang…

5 hours ago

Kulelat sa senatorial race

HINDI na dapat umasa pa ang  Liberal Party ni dating Pangulong Noynoy Aquino na mananalo ang kanilang senatorial bets sa darating…

5 hours ago

Panganib sa lipunan sina Mocha at Olivar

NAGIGING banta na sa lipunan ang mag-among sina Presidential Com­munications Operations Office (PCOO) Asst. Sec. Mocha Uson at Drew Olivar na…

5 hours ago

Ang katotohanan sa P3-B loan ng Pasay City

ANG lungsod ng Pasay sa pamumuno ng administrasyon ni Pasay City Mayor Antonino Calixto,ay dalawang ulit na nakatanggap ng plake…

5 hours ago

Coco Martin, ‘di tumitigil sa pagtulong sa mga artista

MARAMI ang naiintriga sa karakter ni Coco Martin sa Ang Probinsyano. Mistulang isang super hero pagdating sa mga fight scene …

6 hours ago