Tuesday , October 16 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Marawi siege madilim na parte ng kasaysayan (‘Di dapat ipagdiwang — Go)
Marawi siege madilim na parte ng kasaysayan (‘Di dapat ipagdiwang — Go)

Marawi siege madilim na parte ng kasaysayan (‘Di dapat ipagdiwang — Go)

WALANG dapat ipag­di­wang sa unang anibersaryo ng Marawi siege ngayon dahil ito’y isang madilim na bahagi ng kasaysayan ng bansa.

Sinabi ni Special As­sistant to the President Christopher “Bong”Go ang dapat gawin ng samba­yanan ay matuto sa aral ng masaklap na pangyayari sa Marawi City upang hindi na maulit saanmang bahagi ng Filipinas at itaguyod ang rehabilitasyon ng siyudad.

Wala aniyang balak si Pangulong Duterte na magtungo sa Marawi City ngayon para lumahok sa paggunita nang pagwasak ng Maute- ISIS terror group sa lungsod.

READ MORE:  Babaeng tsekwa pinatawan ng multa (Nagwala, nanira sa hotel)

“The start of the Marawi siege is something that is not worth celebrating. And for being such, the President is not keen on visiting Marawi a year after it was desecrated by members of the ISIS-Maute group,” ani Go.

“What we should do at this time is to reflect on the lessons we have learned during this dark chapter in our history, to prevent a similar incident from hap­pening again in any part of our country and to sustain our efforts to rebuild and rehabilitate the city,” dagdag niya.

READ MORE:  Makonsensiya kayo — PNoy (Sa kritiko vs BBL)

Pupunta sina Pangulong Duterte at Go sa Oktubre o sa anibersaryo ng liberasyon ng Marawi City.

“The President and I, however, prefer to join the people of Marawi City during the celebration of its liberation. Mas nanaisin ng Pa­ngulo na sa muling pagdalaw niya sa Marawi ay makitang nakabalik na sa normal ang pamumuhay ng mga Maranao. Sa ngayon, maganda ang takbo ng rehabilitasyon ng Marawi City at 70% ng mga residente ay nakabalik na sa kanilang tahanan,”giit ni Go.

READ MORE:  Media sinisi ni PNoy sa nabulgar na tanim-bala

ni Rose Novenario

 

COMMENTS

About Rose Novenario

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved