Friday , August 17 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Kidlat tumama sa cellphone 9 bata, 2 pa sugatan (Habang nagrorosaryo)
Kidlat tumama sa cellphone 9 bata, 2 pa sugatan (Habang nagrorosaryo)

Kidlat tumama sa cellphone 9 bata, 2 pa sugatan (Habang nagrorosaryo)

BAGO CITY, Negros Occidental – Sugatan ang 11 katao makaraan tama­an ng kidlat habang nag­ro­rosaryo sa Bago City, Negros Occidental, nitong Martes ng hapon.

Ayon sa ulat, ang mga biktima ay nasa loob ng chapel ng Sitio Pandan, Brgy. Ma-ao at nagroro­saryo nang tumama ang kidlat.

READ MORE:  Misis minartilyo sa ulo, suspek na mister nabundol (Kapwa kritikal)

Nawalan ng malay ang karamihan sa mga biktima makaraan ang insidente at nagkaroon ng minor in­juries.

READ MORE:  Garnishment harassment — PacMan ( Hindi galing sa PDAF, DAP )

Sa 11 biktimang tina­ma­an ng kidlat, siyam ay pawang mga bata.

Ayon sa mga naka­kita, tumama ang kidlat sa isang bata na naglalaro ng cell­phone.

Hindi nila matukoy kung sino sa mga bata da­hil masikip ang kapilya na may 46 tao sa loob.

READ MORE:  Trike driver tigbak sa resbak

Ayon sa paring si Ar­nel Gremio, sila ay nag­tipon-tipon dahil sa Flores de Mayo sa kanilang lu­gar.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved