Thursday , June 21 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Janella at Jameson, nag-uumapaw ang chemistry
Janella at Jameson, nag-uumapaw ang chemistry

Janella at Jameson, nag-uumapaw ang chemistry

KILIG to the max ang hatid ng tambalang Janella Salvador at Jameson Blake sa pelikulang So Connected na showing na ngayon sa mga sinehan hatid ng Regal Entertainment.

Bongga nga ang chemistry ng dalawa at hindi na kailangang mag-effort pa para makita iyon dahil kusa itong lumalabas ‘pag magkasama sila.

Hindi nga maiwasang kiligin ng mga naimbitahang entertainment press na naimbitahan sa premiere night nito na ginanap sa Cinema 7 ng SM Megamall at pare-parehong nag-agree na mas bagay si Janella at Jameson kaysa kay Janella at Elmo Magalona.

Bukod pa sa maganda silang panoorin on screen ay parehong mahusay umarte ang mga ito kaya naman kung gusto ninyong kiligin, watch na ng So Connected dahil showing na ito sa mga sinehan.

MATABIL
ni John Fontanilla

COMMENTS

About John Fontanilla

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved