Wednesday , April 24 2024

Dingdong, naka-2 Best Actor Award sa isang linggo

WALA pang nakalinyang proyekto si Dingdong Dantes sa Kapuso Network na dapat ay magkaroon agad para tuloy-tuloy siyang nasusubaybayan ng mga tao. Kaya naman, malaki ang kanyang pasa­salamat sa Gawad Pasado, Pampelikulang Samahan ng mga Guro dahil sa pagkahirang sa kanya bilang Pinakapasadong Aktor para sa pelikulang Seven Sundays noong Mayo 19 na ginanap sa National Teachers College-Manila.

Sinusuwerte ang actor dahil nang sumunod na araw, Mayo 20 ay ginawaran muli siya ng Best Actor ng Guillermo Memorial Foundation Award para uli sa Seven Sundays. Nangangahulugang pinag-uusapan pa rin siya dahil sa pagkapanalo at ang balitang pagtakbo sa politika.

Inamin ng aktor na handa na niyang pasukin ang politika bilang tugon sa mga naisulat na tuloy na ang kanyang plano na tumakbo sa isang posisyon sa gobyerno. Sa aming pakikipag-usap ay nagdadalawang-isip pa ito na sabihin ang plano pero ‘di naglaon ay inamin ding sa Agosto malalaman kung tatakbo siya.

Aniya, “Gusto ko magsimula sa ibaba para walang maipuna sa akin ang mga kalaban. Alam ko naman na magiging isyu kung tatakbo agad ako bilang senador dahil kulang pa naman ako ng kaalaman sa larangan ng politics na totoo naman dahil nagsisimula pa lang naman ako. Kaya pinupuntirya ko muna ang lokal na posisyon tulad ng mayor, gobernador o congressman pero hindi agad bise presidente o presidente mismo,” pahayag nitong may halong biro.

STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu

About Alex Datu

Check Also

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Kim Chiu Short Hair

Short hair ni Kim bumagay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BRAVE, daring, bold, sexy and alluring, ang ilan lamang sa mga …

Atty Oliver Moeller Michelle Dee Kim Chiu

Kim at Michelle ‘nagamit’ daw ng abogadong ka-look-alike ni Piolo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KUNG totoong nag-back-out or more appropriate to say na nag-beg off …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *